KABANATA 37:
Raphaelle Ilorgen
"Okay ka lang?" tanong ni Ivy.
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa hilo, kakatapos lang din naming magquiz sa Differential Equations at pagkatapos nga nun ay bigla nalang ako nakaramdam ng hilo.
"Gusto mong dalhin ka namin sa clinic?" tanong ni Mannix, kaya napatango nalang ako, para din kasi akong nanghihina at pagod na pagod.
Nitong mga nakaraang linggo kasi ay sobrang dami naming ginagawa, napuno kami ng mga lab reports dahil halos dalawang experiment kami kada meeting. Malapit na naman kasi ang finals, kaya naghahabol kami nung mga experiments namin. Magtatapos na din kasi ang November, kaya nara-rush din kami, dahil sa finals week na ang sunod pagkatapak namin sa buwan ng Disyembre.
Pati sa ibang mga minor na subjects namin ay sobrang daming ginagawa.
Para akong na-drain at ngayon lang naramdaman ang pagod at hilo sa mga nangyari. Gusto ko nalang magpahinga.
Dinala nga ako nila Ivy sa clinic, binigyan lang din naman nila ako ng gamot, at pina-stay muna sa ward doon para makapagpahinga.
Sina Ivy at Mannix na din ang naghawak ng clinic certificate ko para maexcuse ako sa dalawang subject pa namin ngayong hapon.
Humiga nalang din naman ako sa hospital bed na nandito, at nagpahinga. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising nalang ako dahil sa tapik sa balikat ko.
Nagulat ako nang mukha ni CA ang bumungad sa akin, nasa likod niya sina Ivy at Mannix.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya, tumango din naman ako.
"Ako na ang nagreply sa kaniya kanina, Raph. Kasi kanina pa din tumatawag si Kuya Carl sa cellphone mo" sabi ni Ivy, nginitian ko lang naman ito.
"Wala na bang masakit sa'yo? Ulo? Katawan? Where?" tanong ni CA sa akin, umiling nalang din naman ako.
"Napagod lang siguro talaga ako" sagot ko.
Umalis naman si Ivy para ipagpaalam ako sa clinic staff na maiuwi na, dahan-dahan akong ibinangon ni CA mula sa pagkakahiga ko.
"Okay na ako" sabi ko nalang, kaya hinayaan na ako nitong bumaba.
Naglakad na kami palabas ng main building, nagpaalam na din naman sina Ivy at Mannix sa amin, kaya dumiretso kami ni CA sa parking lot dahil nandoon ang sasakyan niya.
"Next time, inform me kung masama pakiramdam mo, or Ivy and Mannix. Para huwag ka nalang pumasok" pagbibilin niya sa akin.
"Yes po, sir" pabiro namang sagot ko, kaya tumingin ito nang seryoso sa akin.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Художественная прозаIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...