Dedicated to: @mbarroga48
KABANATA 18:
Raphaelle Ilorgen
Hanggang sa makabalik kami ni Kuya Roelle sa Quezon City, ay binabaliw ako ng isipin ko.
Hindi na din naman nagchat si CA, sa buong panahon ng bakasyon ko sa Pangasinan. Sabagay, busy din naman kasi siya kasama si Ate Geka.
Pero, naghintay akong magchat siya, kaso wala naman akong nahintay.
Ngayon ang araw ng House Meeting namin, in-announce nung nakaraan ni Ate Rachele sa FB Group namin.
Nalungkot akong lalo, nang maalala na hindi nga pala kami magkakasama nina Ivy at Mannix, dahil nahiwalay ako sa kanila ng house.
Mabuti nalang at meron si Joshua na medyo ka-close ko din naman sa block namin.
"Saang room nga daw yung mga House Meeting?" tanong sa akin ni Ivy.
Naglalakad kami ngayon paakyat sa third floor, dahil mga rooms sa third floor gaganapin yung house meeting.
"Hindi ko alam, Asan na ba si Mannix?" tanong ko.
Bigla naman itong sumulpot sa gitna namin,
"I'm here!" sagot nito.
Patuloy kami sa paglalakad, habang nakatingin naman si Ivy sa cellphone nito.
"Ayun, 314 kami sa Aech, tapos sa 312 ka naman" sabi ni Ivy.
Tumingin naman sa akin si Mannix.
"Ah oo, hindi ka nga pala namin kasama sa house" pagpapaalala nito.
Sinamaan ko naman ito ng tingin, na tinawanan lang naman ako.
"Dun ka nalang kaya dumalo sa amin? Hindi na nila yun mapapansin" sabi ni Ivy.
Nagkibit balikat lang naman ako.
"May master list yung mga yun, kaya alam nila kung sino ang mga kasama sa bawat house" sagot ko sa kaniya.
Tumingin ito sa itaas ng pintuan, nang tumigil kami dito.
"Dito na yung 314, hatid ka nalang muna namin sa 312" sabi ni Ivy.
Hindi na din naman ako umangal, naglakad kami ng kaunti hanggang sa makarating kami sa 312.
"Galingan mo diyan ah, make us proud!" sabi ni Mannix sa akin.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...