Kabanata 17

155 47 19
                                    

Dedicated to: @Leeeeeei_

KABANATA 17:

Raphaelle Ilorgen


"Raph, asan ka na? Andito na ako sa sakayan" bungad sa akin ni Kuya Roelle nang tawagan niya ako, sinagot ko naman itong papunta na ako, kaya pinatay na niya ang tawag.


Agad kong kinuha ang backpack ko mula sa kama, nakasuot ako ngayon ng plain navy blue shirt, at fitted black pants. Kinuha ko din ang jacket na nakasabit sa pinto, at itinali ito sa beywang ko.


November break kasi namin ngayon sa school, at nag-announce sila ng one-week na short vacation.


Paglabas ko ng kwarto, ay nakita ko naman si Tita Glezel na naghahain ng pagkain sa isang tupperware.


"Raph-raph, dalhin mo na 'to ha? Baka magutom kayo ng kuya mo sa biyahe, mabuti na yung may baon" sabi ni Tita, at iniabot sa akin yung paperbag na pinaglagyan nito ng baon namin.


"Salamat po, Tita Glezel!" tugon ko sa kaniya.


"Ikamusta mo ako kay Manang at Manong ha? Sabihin mo, baka sa December nalang kami makauwi doon" bilin nito sa akin.


Nakangiti naman akong tumango kay tita.


"Oh siya sige, mag-iingat kayo ng Kuya Roelle mo ha? Magtext ka sa akin, kapag nakarating na kayo doon" bumeso naman ako kay Tita Glezel bago umalis.


"Opo Tita, Salamat po!" pamamaalam ko.


Naglakad na ako palabas ng Village, at nag-abang ng jeep, nabaling naman ako sa cellphone ko nang bigla itong nagvibrate.


From: Kuya

Asan ka na Raph? Apakatagal ah


Agad akong sumakay nang may tumigil na jeep, at nireplyan si Kuya, naiinis na siguro yun sakin!


To: Kuya

Eto na Kuya, nakasakay na!


Pagkasend ko ay itinago ko naman ang cellphone ko sa slingbag ko.


"Oh, dito nalang tayo" sigaw ng driver ng jeep, kaya naman nagsibabaan na lahat ng pasahero.


Mabilis naman akong naglakad papunta sa sakayan, dahil alam kong inip na inip na yun si Kuya.


Nang makarating ako doon, ay kita ko na agad ang kunot nito.


"Sorry na agad, Kuya" agad kong sabi, bago pa ito magsalita.


"Ano yang dala mo?" tanong nito nang mapansin ang paperbag na hawak ko.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon