KABANATA 26:
Raphaelle Ilorgen
"Jusko! Wala akong naintindihan dun sa Integral, ang bilis ni Sir!" reklamo ni Ivy habang nag-aayos siya ng gamit.
Kakatapos lang klase namin ngayon, at parang naalog ata ang utak naming lahat dahil sa topic na itinuro ni Sir ngayon, buti nalang at nakapagsulat pa rin ako ng mga notes ko.
"Tara, Mcdo? Tapos aral na din tayo dun!" yaya ni Mannix.
"Tara, Raph? Ano?" tanong sa akin ni Ivy. Tumango na din naman ako sa kanila, ngayon nalang ulit kami lumabas, dahil sa sobrang daming ginagawa.
Pagbukas ng pintuan ni Ivy palabas, ay agad na napatingin ito sa akin. Tinaasan ko naman ito ng kilay, nagtatanong. Pero hindi ako nito sinagot,
"Where's Ilorgen?" napatigil ako sa paglalakad papunta sa kanila nang marinig ang boses na yun.
Bigla nalang lumawak ang bukas ng pintuan at nakita ko nga siya sa labas, si CA. Tumingin ito sa akin, at ngumiti. Nakita ko na naman ang mga ngiti niyang yun!
"Ah, Raph, una na kami sa baba ha? Sunod ka!" sabi ni Ivy, at kinindatan pa ako nito. Napapikit nalang naman ako.
Naglakad ako palapit sa kaniya, nakatitig lang naman ito ng diretso sa akin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
Mula noong araw na yun, hindi ko na siya nakita. Sinubukan ko talagang iwasan na siya, na hindi siya makita para hindi na lalo pang lumala ang nararamdaman ko sa kaniya.
Pero sino bang niloko ko?
Paano ko pa pipigilang lumala, eh malala na nga. Namiss ko yung pagtawag niya sa akin ng Ilorgen, yung pagtambay namin sa Engineering Library, namiss ko yung presensya niya na kasama ako.
Ngayong nasa harap ko na ulit siya, parang nabalewala lahat ng pag-iwas ko sa kaniya, kasi ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Hindi na ata 'to matatanggal tuwing malapit siya sa akin.
"Hi" sabi nito nang makarating ako sa harap niya.
"Hi" sagot ko, ngumiti lang ito sa akin.
Napatitig ako sa mukha niya, Oo, sobrang gwapo niya lalo kapag malapitan.
"Hindi na kita nakita after nung pageant" panimula nito.
Andun ako, nakita ko pa nga kayo, ni Ate Geka.
Pero hindi yan ang isinagot ko,
"Ah oo, ang dami kasing tao nun" tugon ko sa kaniya.
Tumango-tango lang naman ito sa akin, mukhang wala naman siyang pakialam kung nandoon ba ako o wala.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Narrativa generaleIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...