Dedicated to:
KABANATA 24:
Raphaelle Ilorgen
Dahil sa nalaman, ay lalong akong nagsisipag mag-aral. Kung dati ay tuwing uwian lang ako tumatambay sa Library, ngayon kapag wala kaming klase, doon agad ang punta ko.
Lagi ko din namang nasasama sina Ivy at Mannix, wala naman silang magagawa kapag pinilit ko sila hihi!
"Raph, hindi ako makakasama ngayon sa library. May pupuntahan kami ni Daddy" sabi ni Ivy sa akin, nginitian ko lang naman ito.
"Okay lang. Ingat kayo ha?" sagot ko sa kaniya, nagpaalam na din naman ito sa akin.
Si Mannix naman ay nasa court ngayon dahil may training sila sa basketball, kaya, ako lang ulit mag-isa. Naglakad na ako papuntang Engineering Library.
Alas-kuwatro palang naman ng hapon, maaga pa din. Nang makarating ako doon, ay kaunti nalang ang estudyante.
Pumasok ako, at naglakad papunta sa dulong pwesto ng library. Ibinaba ko ang bag ko sa nasa harapang upuan, at sumalampak naman ako ng upo.
Nakakapagod mag-aral, pero dapat hindi sumusuko.
Inilabas ko ang notebook ko at yellow pad na siyang pinagsulatan ko ng mga notes ko kanina. Isa na yung Physics sa mga subjects namin ngayong second sem, kaya naman lalo akong ginaganahan.
Habang nagsusulat ako, ay napansin ko namang may nakatayo sa likuran ko.
"Napakasipag namang magsulat ng notes" sabi ni CA sa akin, nataranta naman ako sa biglaang presensya nito.
Kinuha ko ang bag sa harapang upuan, at inilipat ito sa likod ko. Umupo naman itong kaharap ko.
"How's your class?" biglang tanong ni CA sa akin, diretso ang tingin nito sa mga mata ko, kaya naman ibinaba ko ang tingin sa notebok ko.
"Okay lang naman, Physics kanina" sagot ko sa kaniya, sumulyap naman ako sa mukha nito at nakitang nakangiti ito.
"Yeah, your favorite" bigla nitong sabi, kaya napangiti nalang din ako.
Bigla kong naalala yung nakita naming listahan ng Dean's List nung nakaraang linggo.
"Congrats nga pala, CA" bati ko sa kaniya.
Tumaas lang naman ang kaliwang kilay nito sa akin, sumulyap tuloy ang makapal at itim na itim na kilay nito na nagtatago sa rim ng salamin niya.
"Para saan?" tanong nito.
Napakunot noo naman ako dahil sa tanong niya, hindi niya ba alam? Napaghahalataan namang hindi ito nagchecheck ng bulletin sa dean's office.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...