KABANATA 30:
Raphaelle Ilorgen
Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari, hindi ako pinatulog ng mga isipin na yun, at patuloy ang paglayag nito sa isip ko hanggang ngayong umaga.
Gumising ako na parang hindi nakatulog, para lang akong pumikit hanggang mag-umaga na.
Hindi maproseso ng utak ko ang nangyari, sobrang bilis! Kasing-bilis ng tibok ng puso ko ngayon, dahil naaalala ko na naman ang mga salitang binitawan niya kahapon.
"I'll return the love to you, I won't promise, but I will do"
Mariin akong napapikit habang nakahiga pa rin, ano ngayon ang gagawin ko? Paano ang set-up namin? Paano ko siya kakausapin?
Parang akong tangang tinatanong ang mga sarili ko, gayong pabor naman ako sa naging desisyon ko kahapon. Pumayag ako!
Gusto kong sumigaw dahil sa parang sasabog na ang nararamdaman ko, kaso baka akalain ni Tita Glezel ay nababaliw na ako. Pero hindi pa nga ba?
Napadilat ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, may nagtext!
From: CA
Good morning! Eat your breakfast :)
Agad akong napabangon nang mabasa ang text niyang yun. Lalo ko tuloy gustong tumili dahil sa bumibilis na naman ang tibok ng puso ko!
Ganito ba ang pinasok ko?
Napakagat labi akong hinawakan ang cellphone ko, at ipinatong sa dibdib ko. Napahiga muli ako at tumingin sa kisame ng kwarto. Anong irereply ko?
Noong mga nakaraang linggo lang, sobrang nasaktan ako dahil sa naging pag-amin ko, halos isubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral para lang malimutan ang masakit na araw na yun.
Ni hindi na nga din ako umasang magbabago ang desisyon niya, hindi na ako umasang magugustuhan din niya ako, dahil alam kong si Ate Geka pa rin talaga.
Pero ngayon, hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Gusto kong matuwa at masiyahan dahil sa wakas, nakita niya, naramdaman din niya yung pagkagusto ko sa kaniya.
Pero, may isang parte pa rin ng puso at isip ko na gustong matakot. Matakot sa posibilidad na baka hindi ito magtagal. Baka namali ako ng desisyon, baka nagpadalos-dalos ako?
Napailing nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Bahala na!
Dapat mas pagtuunan ko nalang ng pansin yung kung anong relasyon namin ngayon, kung ano mang meron kami ngayon. Dapat maging masaya ako, na alam ko namang masaya naman ako sa naging desisyon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/167363300-288-k40071.jpg)
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...