KABANATA 47:
Raphaelle Ilorgen
"Raph oh. Kuha ka!" tinuro ni Chesca ang pizza at mga pagkain na nasa main table, na binili ng Head namin.
Nakangiti naman akong tumango sa kaniya, at lumapit na din para kumuha ng pagkain ko.
"Kanina ka pa tulala diyan, may problema ka ba?" tanong sa akin ni Chesca.
Umiling ako, "Wala, may iniisip lang ako" sagot ko sa kaniya, tumango nalang din naman siya at kinain na ang pizza na hawak niya.
Kanina pa kasi ako hindi mapalagay, hindi ko alam kung kinakabahan ako o nasasabik sa magiging pagkikita namin ni Kuya Roelle mamaya.
Nang sabihin sa akin yun kahapon ni CA ay hindi na matigil ang kaba ko, hindi ko alam kung paano haharapin si Kuya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, dahil sa naging pag-iwas at pagtatago ko sa kanila, dahil sa nangyari sa akin.
Hindi ko nga alam kung alam ba ni Kuya Roelle ang nangyari sa akin, pero kung umuwi na siya sa Pangasinan noon, ay malalaman nga niya.
"Nako, tulala na naman" biglang sabi ni Chesca nang mapansin na nasa harap lang ako ng mesa at hindi pa kumukuha ng pagkain. Natawa nalang ako.
Inalis ko nalang muna ang isipin kong yun.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na din naman kami sa pagtatrabaho.
"Engineer Vilmouza, lab testing" banggit sa akin ng Head namin, kaya nakangiti akong tumango sa kaniya.
Kinuha ko ang clipboard na nasa table ko, at dumiretso na sa equipment room ng ospital.
Hapon na nang matapos ako doon at bumalik na sa opisina. Nakita ko namang marami pang ginagawa si Chesca sa laptop niya at mukhang mag-oovertime pa dito.
"Chesca, una na ako ha?" paalam ko nang makapag-ayos na ako, ngumiti sa akin ito at nagthumbs-up.
"Ingat, Raph!" paalam pa niya bago ako umalis.
Pagbaba ko ng lobby, nagulat ako nang makita si RA na nagtatatakbo. Nang makita ako nito ay agad na tumakbo ito papunta sa akin.
"Nanay!" sigaw pa niya, masaya ko naman siyang sinalubong.
Hinalikan lang ako nito sa pisngi at hinawakan na ang kamay ko.
"Asan si Tatay?" tanong ko sa kaniya, itinuro lang niya si CA na nasa waiting area pala ng ospital at nakaupo. Nakasuot pa ito ng blue-green na longsleeve at nakatuck-in sa suot niyang pantalon.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...