Dedicated to: OrionHill
KABANATA 19:
Raphaelle Ilorgen
"Raph, malapit ko na matapos 'tong Linear Algebra, pahiram naman nung sa Chemistry" sabi ni Ivy.
Nasa library kaming tatlo ngayon, dahil vacant namin ang dalawang-oras, kaya naman napagdesisyunan nalang nitong dalawa na magsulat nalang ng mga notes nila.
"Ako naman yang Linear Algebra" sabat naman ni Mannix.
Natutuwa ako sa kanilang dalawa, sumipag bigla ang mga 'to.
"Shhh! Huwag kayong maingay, palabasin tayo dito, sige kayo!" pagbabanta ko sa kanila.
Ang higpit pa naman dito sa Engineering Library lalo kapag yung isang Librarian ang nakaduty, yung may mala-CCTV na mata, na kaunting ingay lang pipindutin na agad nito yung buzzer ng Silence.
Maging ako ay nagsulat na din ng mga notes galing sa papel na sinusulatan ko, nililipat ko na sa notebook ko ngayon, para wala na din akong intindihin sa mga susunod.
Tsaka, reviewer ko na din ito para sa quiz bee, tutal ay maayos naman na ang mga topics ko sa notebook.
"Ang dami pa pala nitong Linear, shems!" biglang sabi ni Ivy, nang maglipat ito ng page ng notebook ko.
Akala kasi niya kanina konti nalang yung susulatin niya, napahagikgik naman ako sa reaksyon nito.
"Ano ba yan, napakatagal naman nito, isusunod ko na yang Linear eh" pabulong na sabi ni Mannix.
Inirapan naman siya ni Ivy.
"Maghintay ka" sabi nito.
Napapangiti nalang din naman ako sa kanilang dalawa.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng Engineering Library, napatingin naman ako doon. Pumasok sa loob si CA, hinintay ko kung may susunod na papasok, pero wala na itong kasunod, mag-isa lang siya. Asan si Ate Geka?
Inilibot nito ang paningin sa loob ng library, at napahinto ang tingin sa kinaroroonan namin.
Nang makita ako ni CA ay kumaway naman ito sa akin, naglakad ito palapit sa table namin. Di ko naman maipaliwanag ang pagbilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan siguro?
"Ilorgen, kita tayo after class mo" nakangiting sabi nito.
Napatingin na din naman sina Ivy at Mannix sa kaniya, matapos tumingin kay CA ay bumalik naman ang tingin ni Ivy sa akin, saka kumunot ang noo nito.
"Sige po, chat mo nalang ako" sagot ko sa kaniya, napatingin naman sa akin si Ivy nang makita akong nakangiti matapos kong sumagot.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiction généraleIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...