KABANATA 31:
Raphaelle Ilorgen
From: Ab
Hi Raph! Pwede ba tayong magkita ngayon? May sasabihin ako sa'yo.
Napatango ako sa cellphone ko nang mabasa ang text na yun ni Ab. Enrollment na namin para sa Summer Classes, at kakatapos ko lang din mag-enroll.
To: Ab
Sige , Ab!! Text mo nalang sa akin kung saan. May ikukwento din ako sa'yo!
Pagkasend ko ng reply ay itinago ko agad ang cellphone sa bag ko. Ilang linggo na din ang lumipas mula noong naging kami ni CA, tinotoo nga niya yung sinabi niya "I'll court you everyday" dahil halos araw-araw akong kinikilig sa lahat ng mga pakulo at ginagawa niya para sa akin.
Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko lahat ng yun, hindi ko alam na may ganoong side pala si CA.
Hindi ko din nakasabay sa enrollment sina Ivy at Mannix, dahil busy pa silang dalawa. Si Ivy ay nasa Nueva pa, at si Mannix naman ay tumutulong sa shop nila.
Hindi pa din nila alam ang tungkol sa amin ni CA, saka nalang kapag nagkita-kita kami.
From: Love, CA
Tapos ka na mag-enroll, Love? We'll meet Roelle after your enrollment
Kinilig ako nang mabasa ko ang text niya sa akin, pero agad naman itong napalitan ng kaba nang mabasa ang huling text nito.
Kikitain na namin si Kuya Roelle! Hindi pa kasi namin sinasabi sa kaniya, at sabi ko noon ay natatakot pa akong sabihin sa kaniya. Alam ko kasing ayaw pa ni Kuya na magboyfriend ako.
Nagtipa naman ako ng reply sa kaniya,
To: Love, CA
Tapos na po, nakaupo lang ako ngayon sa harap ng opisina.
Nagtingin-tingin lang ako sa mga dumadaang mga estudyante habang naghihintay sa text nito, nagreply naman si Ab sa akin.
From: Ab
Sa Mcdo nalang tayo? Libre nalang kita, 4PM
Ni-replyan ko naman ito na pupunta ako, at magkita nalang kami doon. Matapos ay bigla din namang nagtext na si CA.
From: Love, CA
Asan ang Love? HAHAHAHAHA kiddin. Papunta na ako diyan po, love.
Natawa ako dahil sa reply niya, napatingin din ako sa reply ko sa kaniya kanina at wala nga akong nalagay na Love. Napaka-ano din talaga nito eh, lalo akong kinikilig!
Ilang saglit lang ay napansin ko na itong naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Nakasuot lang ito ng denim na polo niya, at white pants na tinernohan din niya ng puting sapatos.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
General FictionIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...