Kabanata 5

319 118 9
                                    

KABANATA 5:

Raphaelle Ilorgen


"Good Morning First Year ECE's, Ako si Ate Rachele, 5 year-ECE-Student, and currently the President of AECES, na Organization ng ECE Students sa ating eskwelahan" bungad ng babaeng nagsasalita pagkapasok ko ng room.


Medyo nalate kasi ako ng gising kaya, heto at kakarating ko lang.


"Andito ako ngayon, para kumuha ng dalawang magiging representatives ng First Year para sa Organization, probably a Girl and a Boy" nakangiting sambit ni Ate Rachele.


Tahimik naman ang klase, at walang gustong umimik. Pero rinig mo ang mga bulungan.


"So, feeling ko naman magkakakilala na kayo, magbobotohan ba tayo? O mag-aappoint nalang kayo?" tanong ni Ate Rachele.


1 week na kasi ang lumipas mula noong magsimula ang klase dito sa Valderama University,


Sa isang linggong yun, ay nakilala ko naman ang mga magiging kaklase ko sa isang sem, pero hindi ko talaga mapagpalagayan ng loob ang iba.


Nahihiya akong makihalubilo, siguro kuntento nalang ako kina Mannix at Ivy na kaibigan ko.


Ayoko ko din kasi ng masyadong maraming kaibigan, kasi alam ko namang sa huli mang-iiwan din yung iba.


Nagkaroon ng getting to know each other kami nung nakaraang biyernes sa isa naming subject at doon ko nakilala ang lahat ng mga kaklase ko.


Pero sa kabila nun, kila Mannix at Ivy pa rin talaga ako sumasama.


"Ate si Chloe nalang po sa babae" suggest ni James.


Si Chloe yung, isa sa magaganda dito sa klase namin, crush nga ata siya ng lahat.


"Okay lang ba sa inyo na si Chloe ang magiging First Year Representative sa babae?" tanong ni Ate Rachele.


Sumang-ayon naman sila, hindi nalang ako umiimik.


"Dapat pala ikaw nalang sinuggest ko" bulong ni Ivy sakin.


Umiling naman ako sa kaniya,


"Hindi ko tatanggapin Ivy, nakakahiya" sagot ko.


Sa nangyayaring kaganapan, parang nahiya akong sumali sa mga organizations sa unibersidad na ito.


Hindi dahil sa wala pa akong naging karanasan, dahil sa noong High School ako, madaming organizations din ang nasalihan ko.


Naging President din ako sa iba't ibang clubs sa paaralan namin. Kaya naman hindi din maikakaila na may karanasan na din ako sa pangunguna.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon