Dedicated to: @luzabaya, @MaeMonPagaduan
KABANATA 15:
Raphaelle Ilorgen
Ilang araw ding hindi ko nakita si CA, mula noong araw na nagkita at nagdiscuss siya sa akin. Hindi na din ito nagmessage sa akin sa messenger.
Pero ang ipinagtataka ko ay bakit ko ba inaalala kung ilang araw na? Okay lang naman kahit di siya magmessage ah?
Ay nako, ano na bang gumugulo dito sa utak ko, kasalanan niya to eh. Lalong gumulo ang isip ko nang malaman kong nagkakacrush na ata ako kay CA.
Binitawan ko ang ballpen na ginagamit ko sa pagsusulat ng notes ko, at saka ako sumandal sa upuan. Sabado ngayon, pero heto at nandito ako ngayon sa Engineering Library para magsulat ng notes.
Hindi ko din naman maaya na sina Ivy at Mannix dahil laging may kani-kaniyang lakad yun tuwing sabado.
Nagpatuloy na ako sa pagsusulat nang makita kong biglang bumukas ang pintuan ng Library. Nasa dulong bahagi ulit ako, kung saan ako laging nakapuwesto.
Agad na dumapo ang tingin ko sa pumasok, nanlaki ang mata ko nang makitang si CA ito, ayun! Pwede akong magpaturo sa kaniya nitong topic na hindi ko masyadong maintindihan.
Pero, kasunod niyang pumasok ay si Ate Geka, na may hawak na dalawang malalaking libro.
Kinuha naman ni CA ang mga libro kay Ate Geka, at saka hinawakan ang kamay nito, nilibot niya ang paningin niya sa buong library, naghahanap ata ng mauupuan, kaya naman yumuko akong bigla sa kinauupuan ko. Lagi na akong di mapakali tuwing malalapit ako sa presensya ni CA.
Mag-isa pa naman ako dito ngayon, at kaunti lang ang tao sa library dahil nga sa sabado.
Pasimple akong sumulyap sa kinaroroonan nila, at nataranta nang makitang papalapit sila dito sa pwesto ko. Yumuko akong lalo at nagkunwaring nagsusulat sa notebook ko.
Nang ilang minuto na ang lumipas, at wala naman akong naramdamang tumabi sa akin, ay unti-unti akong sumulyap kung saan sila umupo.
Sa pangatlong table pala sila nakapwesto, pangatlo mula sa pwesto ko, kaya naman may isang maliit table na nakaharang sa pagitan namin, hindi naman masyadong malayo sa akin, pero ayos na din.
Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy na sa pagsusulat, malapit na din naman akong matapos, at aalis na din ako agad.
"Pano nga ulit to gawin?" narinig kong tanong ni Ate Geka kay CA. Nagpapaturo ata ito kay CA.
Hindi ko naman mapigilang masulyap sa pwesto nila, kanina ay magkaharap silang dalawa, pero ngayon ay magkatabi na sila, magkalapit na magkalapit sa isa't isa, dahil nagsisimula na magturo si CA.
Ngumiti bigla si CA kay Ate Geka, habang nagpapaliwanag ito. Nakita ko na naman ang mga ngiti na yun.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Художественная прозаIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...