KABANATA 39:
Raphaelle Ilorgen
Hindi ako nakatulog dahil sa mga nakita kong litrato kahapon, para na akong mababaliw dahil sa dami ng isipin, at para na ding sasabog ang utak ko, dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang iproseso lahat ng nangyayari.
Pigil ang luha kong humiga kagabi, dahil ayaw kong mapansin ni Kuya Roelle, ayokong lalo siyang mag-alala sa akin.
Hindi din nagtetext si CA, mula pa kahapon, kaya kung anu-ano na ang mga naiisip kong rason dahil sa pagiging malamig nito.
Wala na ba? Wala nalang ba ako sa kaniya kasi nagkikita na sila ulit?
Nakapikit at nakahiga pa rin ako sa higaan ko, pero pakiramdam ko ay gising na gising na ako dahil sa mga isipin ko sa buhay.
Kanina pa umalis si Kuya, at ako nalang ang natira dito sa apartment niya. Alas-diyes na din ng umaga, pero hindi pa ako nakakakain.
Napakapa ako sa tiyan ko, sa anak ko.
Hanggang sa unti-unting lumabas ang mga luha na kagabi ko pa pinipigil. Napakagat-labi ako para pigilan ang mga luhang dumadaloy na sa pisngi ko, pero parang lalo lang nagbadya ang mga luha ko.
Hayaan mo, anak. Andito lang ako.
Pinunasan ko ang mga luha ko, at bumango na mula sa pagkakahiga. Kailangan kong kumain dahil hindi na ako mag-isa sa katawan ko. May binubuhay na ako sa loob ng tiyan ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko agad ang nakatakip sa mesa, na sa tingin ko ay iniwan ni Kuya kanina. May kanin doon, at adobo. Kaya naman nagsimula na akong kumain.
Pagkatapos ay niligpit ko na ang pagkain ko, hinugasan ito, at dumiretso na sa banyo para maligo.
Wala pa ring text si CA sa akin ngayong umaga. Iniisip ko palang na busy siya ngayon sa ospital sa pag-aalaga kay Ate Geka, ay lalong sumisikip ang dibdib ko.
Pagkatapos kong maligo, ay dumiretso na ako sa kwarto para magbihis, pero hindi ko pa man nasusuot ang mga damit ko, ay napansin ko na ang pag-ilaw ng cellphone sa ibabaw ng kama.
Agad kong kinuha ito, umaasang si CA ang nagtext, pero isang unknown number lang ang nakita ko.
Napakunot-noo nalang ako dahil sa nagtext sa akin, sino naman kaya ito?
Ibinaba ko muna ang cellphone ko, at nagbihis na. Nagsuot ako ng white blouse, at black na pants. Gusto ko kasing pumunta ngayon sa Vernier Garden, para mamasyal at makalanghap ng sariwang hangin.
Pagkatapos kong magbihis, ay kinuha ko ang cellphone sa kama at binuksan ang message na iyon sa akin.
From: Unknown Number
Hi! We have a surprise for you. Want to check it? Go to Balmedio Hospital, RM 402.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Genel KurguIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...