Kabanata 10

239 92 12
                                    

KABANATA 10:

Raphaelle Ilorgen

"Kain ka lang diyan, Raph" banggit ni Kuya Clint sa akin.


"Sige lang po, kuya Clint" sagot ko naman dito, pero napatingin naman siya sa akin.


"Huwag mo na lagyan ng Kuya, nako, nagmumukha kaming masyadong matanda" natatawang sabi nito.


Ayaw talaga nilang lahat na tawagin ko silang kuya, maliban nga lang pala kay Kuya Xavier, dahil ako daw ang bahala kung anong itatawag ko sa kaniya, at kung saan ako komportable.


Sina Kuya Xavier, at Kuya Roelle ang magkaklase parehong Accountancy, pareho ding seryoso sa buhay, kaya siguro sila nag-click bilang magkaibigan. Si Kuya CA naman at si Kuya Clint, ang parehong nasa Engineering, sa Electronics Engineering si Kuya CA gaya ko, at sa Mechanical Engineering naman si Kuya Clint. Di pa rin talaga ako sanay na hindi sila kinu-kuya. Si Kuya Raven naman ay isang Legal Management Graduate, balak ata niyang mag-Law.


Hindi ko alam kung paano silang naging magkakaibigan, gayong magkakaiba naman sila ng kurso.


Basta, ang sabi lang nila, nagkita-kita sila sa Main Library, magkakasama sa iisang table, at ayun na, nauwi sila bilang mga magto-tropa, ang galing!


Sa kwento nilang yun, ay masasabi ko ngang, siguro maaral ang mga ito, matatalino din? Hindi ko masabi, pero sige, mag-stick tayo diyan.


Napatingin ako kay CA nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tumayo ito, at saka sinagot ang tawag.


"Hello Geka"  bungad nito, kaya malamang ay si Ate Angelica ang kausap nito sa kaniyang cellphone. Napatitig lang naman ako sa kaniya, habang nakikipag-usap ito.


"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo diyan"


Napabalikwas naman ako ng biglang magsalita si Kuya Roelle sa tabi ko, kaya naman napatingin ako bigla sa harapan ko, kung saan sila nagluluto.


"Ah-eh, W-wala kuya" sagot ko sa kaniya.


Umismid lang naman ito sa akin, at nagpatuloy na sa pagkuha nung mga karne na luto na mula dun sa nilulutuan nila.


"Kamusta naman ang 2 months of being an engineering student?" tanong ni Clint.


Tumango-tango lang naman ako sa kaniya,


"Okay lang naman po, pinu-puno kami ng mga exams at quizzes, magaling din magturo yung mga professors namin, at ang useful ng library, tsaka malamig, sobrang sarap---"


Naputol ako sa sasabihin ko nang biglang sumagot si Raven.


"matulog, sobrang sarap matulog sa library" sabi nito. Napatulala naman ako sa kaniya nang sabihin niya yun.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon