Kabanata 44

123 17 8
                                    

KABANATA 44:

Raphaelle Ilorgen


"Thank you for accepting our offer, Engr. Vilmouza, it is our greatest pleasure to work with you" bati sa akin ng Head ng Ospital na pagtatrabahuhan ko.


Nakangiti akong tumango sa kaniya, at inabot ang kamay nito.


"Thank you din po for hiring me, Doc Gutierrez. I won't regret also accepting the offer of this famous and one of the best hospital in our country"


Nginitian ako ni Doc Gutierrez. "Nako, Engineer, napakasarap naman na mapakinggan yang mga salitang yan" sabi pa nito sa akin at saka kami nagtawanan.


Inilibot lang ako ni Dr. Gutierrez sa kabuuan ng ospital dahil sa hindi pa naman ito ang umpisa ng araw ko sa trabaho. Sobrang saya ko nang makita ko ang offer nila sa akin na sinend sa email ko.


Ang St. Lukes Medical Center ang isa sana talaga sa gusto kong applyan sa trabaho pagkapasa ko sa board exam, bukod kasi sa sobrang ganda at ayos ng mga facilities nila dito, ay isa din ang ospital na ito sa tinitingalang ospital sa buong bansa.


Pumasa ako sa ECE Board Exam namin noong nakaraan, at hindi lang ako basta pumasa kundi nag Top 3 pa ako, na lubos kong ipinagpapasalamat.


Nakatanggap din ako ng pabuya galing sa university namin na siyang ginamit ko naman sa pagbili ng mga kailangan pa ni RA, at mga kailangan pa sa bahay.


Nagresign na din ako sa trabaho ko bilang Service Crew, at binigyan pa nila ako ng farewell party, naging pamilya ko na din kasi ang mga kasamahan ko doon, lalo na si Clarisse.


"You can start on Monday, Engineer, and again, Thank you" bati sa akin ni Doc.


Nagpaalam na nga kami sa isa't-isa dahil uuwi na din ako sa bahay. Panigurado ay hinahanap na ako ni RA, dahil kanina pa ako wala.


Mabilis akong sumakay sa jeep na kakahinto lang sa harap ng ospital. Hindi naman ito kalayuan sa garden, at isang sakay lang kaya ayos na din.


Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad si RA na nakaupo sa may pintuan at nakabusangot, nginitian ko ito nang makarating ako sa harap niya.


"Hello, baby" bati ko sa kaniya, pero nakabusangot pa rin ito sa akin.


"Nanay, ang tagal mo" sabi pa nito sa akin, kaya natawa ako.


Napatingin ako sa loob ng bahay, at nakitang patay ang ilaw sa loob, napakunot-noo naman ako, nawalan ba kami ng kuryente?


"Asan sina Lola Ester?" tanong ko kay RA, pero umiling lang ito sa akin.


Binuhat ko na ito, at dinala sa loob ng bahay, bago pa man ako makarating sa sala ay bigla nalang bumukas ang ilaw.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon