Kabanata 7

302 109 8
                                    

KABANATA 7:

Raphaelle Ilorgen

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas, na hindi ko din alam ang patuloy na nangyari sa buhay ko.


Hindi pa naman ako nagkakaproblema sa mga topics na inaaral namin ngayon, at nag-eenjoy pa ako sa ginagawa naming mga pag-aaral


Nag-aadvanced-reading din ako lagi, para kahit papaano kahit na magchange-topic agad yung prof namin sa subject ay alam ko pa din kung anong itinuturo niya.


Napakaparanoid ko ba?


Pero, ito naman yung pinunta ko dito sa Manila, ang mag-aral matuto, at makuha yung pinapangarap ko.


"Ano nga sagot dun sa number 3, parang dun ata ako nalito? Nakakainis!" banggit ni Ivy.


Kakatapos lang kasi ng quiz namin sa isang subject, at ngayo'y nagdidiscuss sila ni Mannix ng mga sagot nila sa mga tanong.


"Raph, ano nga sagot dun? Parang wala kang pinoproblema, nasagot mo na naman lahat no?" natatawang sabi ni Mannix.


Nahiya naman akong umiling sa kanila ng nakangiti.


Mula kasi nung nagsimula nang magdiscuss yung mga professor namin, nagfocus nalang ako sa pag-aaral.


After class, at wala na gagawin, hindi agad ako umuuwi ng bahay. Pero dumidiretso ako sa library, para ilipat lahat ng notes ko sa notebook ko. Ayaw ko kasi na natatambakan ako ng sulatin.


Sina Ivy at Mannix naman, hindi madalas sumabay sakin sa library, kasi laging may kani-kaniyang lakad pagkatapos.


Nasabihan na nga nila ako na sobrang maaral ko daw. Pwede daw magpahinga, pag may time.


Pero nginingitian ko lang din naman sila, ayaw ko namang i-risk ang scholarship ko, kaya naman sinusubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral.


"Hindi daw, nako Raph! Alam ko, halos lahat ng binigay mong reviewer sa amin lumabas sa exam. Kaya perfect mo ulit yun!" nakangiting banggit ni Ivy.


Nagtawanan nalang kami dahil dun.


Ganoon nga lagi ang ginagawa ko, bago kami magkaroon ng quiz lalo kung announced, a week before nung quiz or exam ay gumagawa na ako ng reviewer.


Binibigyan ko din naman sila ng kopya, kaya lagi silang nagpapasalamat sa akin.


Wala lang din naman yun sakin dahil kaibigan ko naman sila.


Minsan din, kapag may mga oras kami, ay naggo-group discussion kami para magreview ng mga topics.


Sobrang nagpapasalamat ako dahil nakilala ko silang dalawa, kahit na silang dalawa lang ang halos na kaibigan ko sa unibersidad na to, Alam kong sila yung one of the bests para sa akin.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon