KABANATA 38:
Raphaelle Ilorgen
Napabangon ako sa pagkakahiga ko, dahil sa nakaramdam na naman ako ng parang hinahalukay ang tiyan ko. Tumakbo ako mula sa kama, palabas ng kwarto at dumiretso sa banyo.
Dumuwal ako doon hanggang sa wala na akong inilalabas, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kuya Roelle, may hawak pa itong sandok.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong nito sa akin, inalalayan ako nitong tumayo, at sinapo pa ang leeg at noo ko.
"Parang mainit ka, Raph" nag-aalalang sabi nito, nang maramdaman ngang mainit ang noo ko.
Inalalayan ako nito palabas ng banyo, at pinaupo ako sa mesa, nagluluto palang ito ng pagkain namin.
"Okay ka lang ba? Gusto mong magpahinga ka nalang? Huwag ka na pumasok" sabi nito sa akin, napatingin naman ako sa kalendaryo na nakasabit sa gilid.
Miyerkules ngayon, at next week na ang finals namin. Wala naman na kaming masyadong ginagawa at nagrereview nalang para sa final exams namin.
Nakapagpasa na din naman ako ng mga lab reports ko, kaya wala na akong problema. Okay lang siguro na hindi na ako pumasok ngayon?
Tumango ako kay Kuya Roelle,
"Okay lang po, Kuya. Opo, hindi na ako papasok kuya" sagot ko sa kaniya, tumango lang ito sa akin habang nagluluto.
Nangalumbaba nalang ako sa kinauupuan ko, napahilamos ako sa mukha ko. Ano bang nangyayari sa akin? May sakit na ba ako?
Pagkatapos magluto ni Kuya, ay sabay kaming kumain,
"Gusto mo bang magpacheck-up?" tanong nito sa akin, habang kumakain kami.
Tumango ako sa kaniya, "Kaso, hindi kita masasamahan ngayon. May conference meeting kami ngayon sa directors. Bukas nalang" sabi nito sa akin.
"Ako nalang po mamaya kuya"
Napatingin lang ito sa akin, "Sige, pero kapag hindi mo kaya, magpahinga ka nalang, at bukas nalang tayo punta"
Matapos kumain, ay agad na gumayak si Kuya Roelle, dahil may trabaho pa ito. Naalala ko namang hindi ko pa nachecheck ang cellphone ko, kaya mabilis akong pumasok sa kwarto para kunin yun.
From: Love, CA
Love, sorry. Hindi kita mahahatid ngayon. Kailangan naming pumunta ni Dad sa Makati, client meeting at visit. Maghapon kami doon, I'm sorry, love.
Ito ang bungad na text niya sa akin, napatango-tango nalang ako nang mabasa ito, busy din pala siya ngayon.
To: Love, CA
Okay lang po, love. Take care, and ingat sa maghapon! Hindi po ako papasok ngayon.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficção GeralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...