Kabanata 35

129 20 23
                                    

KABANATA 35:

Raphaelle Ilorgen


"Mag-iingat ka lagi ha? Lagi kang magsabi kay Kuya Roelle mo kung may mga kailangan at problema ka. Pasensya ka na, Raph ha? At hindi ka na namin masasamahan dito. Babawi ako sa'yo pagbalik namin"


Napapatango-tango nalang ako habang nagbibilin sa akin si Tita Glezel. Mamayang tanghali na kasi ang biyahe nila papunta sa Canada, kaya ngayong umaga palang ay magsisimula na silang bumiyahe papunta sa airport.


"Opo, Tita. Salamat din tita sa pagkupkop niya sa akin. Mag-iingat po kayo dun, mamimiss ko po kayo" sagot ko kay Tita Glezel.


Lumapit ito sa akin, at umamba ng yakap. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hinigpitan ko din ang kapit sa kaniya at unti-unting lumabas ang mga luha sa mga mata ko.


Napalapit na din sa akin sina Tito at Tita dahil sa sila ang nagsilbi kong mga magulang dito. Nakakalungkot lang na aalis na sila.


"Huwag ka na umiyak ha? Bi-biyahe na kami, mag-iingat ka ha?" naiiyak na bilin muli ni Tita, bago sila umalis ay hinalikan pa ako nito sa noo ko.


Maghapon akong nagmukmok sa kwarto, dahil hindi ko din alam kung anong gagawin.


Ang napag-usapan kasi namin ni Kuya Roelle, ay sa susunod na linggo na ako lilipat sa kaniya dahil uunti-untiin pa namin ang paglilinis dito sa bahay nina Tita Glezel at paglilipat nung ibang mga gamit ko.


Napatingin ako sa cellphone ko nang magtext si CA.


From: Love, CA

I'm on my way, love. Kamusta ka jan? Bumiyahe na sina Tita mo?


Napangiti nalang ako dahil sa text niya,


To: Love, CA

Okay lang ako. Opo, kanina pa. Mag-iingat sa pagda-drive, love. Wag ka na muna magphone


Ngayon kasi ay nagplano ang mga ka-batch nila na magcelebrate dahil sa pagkakapasa nila sa ECE Board Exam. Nag100-percent kasi sila, kaya napagdesisyunan nilang magsalo-salo.


Nakakaproud din ang batch nila! Ang gagaling!


From: Love, CA

Di na ba kita mapipilit? Ayaw mo talagang sumama?


Agad kong nireplyan ang text niya,


To: Love, CA

Hindi na, moment niyo yan ng mga ka-batch mo. Enjoy ka nalang! Huwag masyadong iinom :)


Inaaya kasi ako ni CA, noong nakaraang araw pa, na sumama ako sa celebration nila. Tumanggi nalang din naman ako, dahil baka hindi lang yun makapag-enjoy dahil nasa tabi lang niya ako pag nagkataon.

Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon