Kabanata 20

157 38 23
                                    

Dedicated to: PipayTinapay_ 

KABANATA 20:

Raphaelle Ilorgen


Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin.


Inaalala ko pa rin ang mga pangyayaring yun, na parang kahapon lang, kahit na ilang araw na talaga ang nakalipas.


Umaasa akong kakausapin niya ako, sasabihin na okay na siya, dahil hanggang ngayon ay nag-aalala ako sa kaniya.


Pero sino nga naman ba ako? Ano bang parte ko sa buhay niya para pagtuunan niya ng pansin?


Nalimutan nga niyang kasama ako nung araw na iyon, at bigla nalang itong umalis matapos yung nangyari. Okay lang naman sa akin yun, kasi alam kong nasaktan siya, sobrang sakit nung idinulot nun sa kaniya, kaya wala na siya sa pag-iisip.


Hindi ko lang maintindihan na kahit na ganon ay umaasa pa rin ako.


Mula noong araw na yun ay hindi na siya nagparamdam, hindi na siya nagchat o nagtext sa akin.


Hindi na din siya nag-aaya sa Engineering Library para magreview, pero tuwing hapon ay naghihintay pa rin ako ng chat niya na mag-aral kami, na hanggang ngayon, wala pa rin.


Namiss kong bigla ang presensya niya, ginugulo na ako ng damdamin ko, pero hindi ko naman masagot ang lahat ng tanong na yun dahil maging ako ay hindi ko din maintindihan ang sarili ko.


Kung bakit ako nagkakaganito.


Sabado ngayon, pero naisipan kong magpunta sa VU.


Dala-dala ko lahat ng review materials na binigay sa akin ni CA. Kahit na hindi na siya nag-aayang magreview, ay hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko.


Nag-aaral pa rin ako, hindi lang naman siya ang may goal na manalo kami, kundi ako rin.


Habang naglalakad ay kinuha ko naman ang cellphone mula sa bulsa ko, dahil naramdaman ko itong nagvibrate.


From : Kuya

Asan ka ngayon? Wala kang klase diba? Magkita tayo mamayang alas singko, sa Mcdo Tierra Pura.


Napakunot naman ang noo ko nang mabasa ko ang text ni Kuya. Bat bigla siyang nag-aya? Wala ba siyang pasok?


To : Kuya

Sige po Kuya, papunta akong school ngayon


Sagot ko sa text niya, tumigil naman ako sa harapan ng gate nang mapansin hindi ko pala suot ang ID ko. Mahilig pa naman silang manita ng mga walang ID.


Nang makuha ko mula sa bag ko, ay nagpatuloy na akong maglakad papasok sa VU.


Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon