KABANATA 6:
Raphaelle Ilorgen
Lalong napahigpit ang kapit ko sa lalaking nasa harapan ko dahil sa naging panlalabo ng mata ko.
Kahit na hindi lubos na magkakilala, ay inalalayan naman ako nito palabas sa Multi-Purpose Hall na kung saan ginagawa ang activity para sa mga Freshmen.
"Dito ka nalang muna siguro sa labas, upo ka diyan." Senyas niya sa akin.
Nang makaupo ako sa upuang itinuro niya sa labas, ay ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
Minasahe ko naman ang sentido ko upang kahit papaano ay maibsan ang pananakit nito. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Unti-unti naman itong bumabalik sa dati nitong linaw ng paningin. At doon ko naaninag ang bulto ng lalaking nakatayo sa harapan ko na siyang nagdala sa akin dito.
"Okay ka na ba?" tanong nito sa akin.
Tinignan ko naman ng maigi ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Maputi ang balat nito na akala mo ay ipinaglihi sa gatas, medyo may katangkaran ngunit tingin ko ay hindi naman ako nalalayo sa tangkad nito, matangos ang ilong nito at may mapupungay na mata na lalo namang nabigyang diin dahil sa kapal ng kilay nito, masasabi kong may itsura nga ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Tapos ka na bang tumitig?"
Napakurap naman ako dahil sa naging tanong niya, at mahiyang ibinaba ang mata ko mula sa pagkakatitig sa kaniya.
"Biro lang, ano okay ka na ba?" nakangiting tanong nito.
Nahihiyang ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nito.
Ilang segundo bago sana ako sumagot ay naglahad ito ng kamay sa akin, at ipinakilala ang sarili.
"I'm Abraham, but you can call me Ab." nakangiti nitong saad.
Unti-unti ko namang inabot ang kamay nito.
"Ako si Raph, Salamat sa pagtulong" nahihiyang tugon ko naman sa kaniya.
Saka naghiwalay ang mga kamay namin.
"You're welcome Raph, papasok na ko ha? Sure ka na bang okay ka na? Anyway, you can call me inside if you need help."
Di maalis ang ngiti nito habang nagsasalita, at sabay itinaas ang ID niya na may nakalagay na Facilitator. Tumango naman ako sa kaniya.
"Oo okay na ako, Thank you ulit... Ab."
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Ficción GeneralIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...