KABANATA 4:
Raphaelle Ilorgen
"Raph, mag-ayos ka na, san mo ba gusto kumain? MagMcdo nalang tayo, diba fries lang naman paborito mo?" sunod-sunod na pagsasalita ni Kuya.
Natataranta na nga ako sa kung anong susuotin ko, kasi hindi naman nagsabi agad si Kuya na matutuloy pala kami ngayon.
Tsaka akala ko talaga busy siya, kaya hindi ko na rin siya inistorbo.
Pero bigla-bigla nalang itong tumawag at sinasabihan na magbihis na daw ako.
"Kahit saan na kuya, gusto ko lang makita ang napakapogi kong kuya at mayakap ng mahigpit" masayang tugon ko.
Noon pa man ay malapit na ako kay Kuya Roelle, hindi lang dahil sa dalawa lang kaming magkapatid, kundi dahil sa siya ang lagi kong nakakasama sa bahay tuwing wala sina Nanay at Tatay at nasa trabaho.
Siya din yung laging nagtatanggol sa akin noon kapag may umaaway sa akin.
"Sus nambola pa, wala nga akong girlfriend, paano ako naging pogi?" pagbibiro niya.
Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Dahil sa wala ka pang girlfriend, ako muna ang girlfriend mo"
Nakangiti lang ako sa buong oras ng pag-uusap namin ni kuya, hanggang sa nagpaalam na siya at inutusan na akong gumayak na.
"Dalian mo, maligo ka na. Magtext ka kapag pasakay ka na ha?" sabi niya.
Pero naalala kong wala na nga pala akong load pantext.
"Ah kuya, wala kasi akong load, hindi kita matetext" untag ko.
"Oh sige, at papasahan kita ng load. Antayin mo. Sige na, Mag-ingat ka" pamamaalam niya.
Nagpaalam na din ako sa kaniya, at dali-daling nag-ayos.
Pumunta na ako sa banyo para maligo, pagkatapos ko namang maligo ay agad akong nagbihis ng blue and white stripe na t-shirt, at fitted na faded blue pants.
Tinernuhan ko naman ito ng puting paborito kong sapatos na regalo pa ni Kuya sa akin noong birthday ko.
Bago ako umalis ng bahay ay nagpaalam muna ako kay Tita Glezel.
Paglabas ko ng kwarto ay, nakita ko naman siyang nakaupo sa sala at nanonood ng TV.
Lumapit ako sa kaniya at nagmano para magpaalam.
"Tita, alis na po muna ako, magkikita po kami ni Kuya Roelle ngayon. Ano pong gusto niyong pasalubong?" masayang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Manhid Siya, Umaasa Ako [COMPLETED]
Fiction généraleIpagpipilitan mo pa rin ba ang sinisigaw ng puso mo, Kahit na alam mong Manhid ang taong nakabihag nito? O mananatili kang Umaasa kahit na alam mong magiging malabo? Dahil lagi mong tatandaan, na hindi sa lahat ng oras, May sasalo sayo. Manhid Siya...