Chapter 2: Handcuffs

3.5K 67 13
                                    

YUYAN

NGAYON gaganapin ang paglalagay ng marka kay Toshiro. Kaya magiging formal ang okasyon na ito.

"Are you ready?" tanong ni Akiro. Tumango naman ako habang nakatingin sa aking suot.

Nagtungo na kami sa parliyamento kung saan gaganapin ang pagbibinyag kay Toshiro.

Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad ang nakakataas na miyembro ng mga Assassin. Naroon na rin si Liam at Lolo. Kasama si Nurse Hyun o Hana kung tawagin.

Napag-alaman kong isa siyang kasapi ng grupong ito. Mataas ang kinabibilangan niya ngunit mas mataas ako. Dahil ako ang mamamahala nito kapag nawala na si Lolo.

Yumuko ang lahat ng sandaling makarating ako sa aking upuan. Inilibot ko ang aking paningin. Narito lahat ang mga kapwa ko assassin. Maging ang mga nagsasanay palang ay narito din.

Tahimik ang lahat habang hinihintay ang pagdating ni Toshiro. Hanggang sa magbukas ang tarangkahan. Pumasok ang dalawang binatang nakasuot ng pormal. Pinagigitnaan nila si Toshiro na walang damit pang-itaas.

Kapansin-pansin ang pagkagulat nito nang tuluyan siyang makapasok sa parliyamento. Bakas rin ang kaba sa kanyang mga mata dahil ngayon na ang pagbibinyag sa kanya upang maging isang Imperial.

Nagsimula na ang seremonya. Kung ano-anu ang sinabi ni Lolo tungkol sa mga regulasyon ng organisasyon. Kabilang na ang pagtapos sa misyon at ang hindi pagdamay ng isang inosente. Nang matapos si Lolo sa kanyang bilin ay siyang pagtayo ko sa aking silya.

Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Ngunit ang tingin ko lamang ay kay Toshiro. Sandaling napukaw ang tingin niya sa gawi ko. Siyang paglunok nito nang makitang papalapit ako sa kanya.

"Ready?" sambit ko at kinuha ang nagbabagang bakal. Nakita ko ang sunod-sunod nitong paglunok hanggang sa ilapit ko na ito sa kanyang dibdib.

"Aaaaahhhhhh!!!"

Mariin nitong sigaw nang sandaling ilapat ko na ito. Kitang-kita ko ang mga butil ng pawis sa kanyang mukha. Maging ang mata nitong naluluha na. Hanggang sa mawalan na siya ng malay.

*    *    *

MATAPOS ang seremonya ay hindi ko pa nakikita si Toshiro. Marahil ay nagpapahinga pa siya. Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako noon ay halos mawalan ng lakas dahil sa pasong iniligay nila sa akin.

Abala ako sa pagbibihis dahil ngayon ko tatapusin ang buhay ni Mr. James. Suot ang isang pulang bestida na talagang hapit na hapit sa aking katawan, dahilan upang bumungad ang aking magandang kurba. Kailangan kong magsuot ng ganito at pagandahin ang aking mukha dahil ito lamang ang paraan upang mapadali ang pagpunta ni Mr. James sa impyerno. Dala ang bag na naglalaman ng nagiisang baril na gagamitin ko at damit, pati na posa. Mabilis akong lumabas na ng kuwarto.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay napahinto ako dahil tumambad sa harapan ko si Kyle.

Suot ang walang emosyon nitong mukha ay nakatingin lang siya sakin. Sandali rin akong nakipaglaban sa titig niya nang bawiin ko ito. Nagbaba ako ng tingin at inayos ang buhok ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Inutusan ako ni Makoto na samahan ka sa misyon mo ngayon." sagot nito.

Tumingin ako sa aking relo. Malapit na ang oras. Hindi na ako kumibo at tumango na lang, dahil kapag nakipagtalo pa ako sa kanya ay baka hindi ko na maabutan si Mr. James.
Nagsimula na akong maglakad habang nasa likuran ko siya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon