YUYAN
KINABUKASAN ay maaga kaming nagsigising. Nang malaman ni Ana na may pupuntahan kami ay ikinatuwa niya ito. Excited siya dahil madalang pa sa madalang kung lumabas sila ni Aling Pasing. Kaya napangiti na lang ako dahil sa simpleng bagay na iyon ay napasaya ko siya.
Abala sa pag-luluto ng agahan si Akiro. Habang si Toshiro naman ay abala sa pagkuha ng panggatong.
Malapit na akong matawa sa itsura ni Toshiro. Busangot ang kaniyang mukha na animo'y ayaw ang ginagawa. Kung hindi ko pa siya pinanlakihan ng mata kanina ay baka hindi pa siya kumilos.
Naglilinis lang naman kami ni Ana ng bakuran, habang si Aling Pasing ay inihatid ang labada niya kahapon. Si Kyle naman ay nag-iigib pa ng tubig sa kapit-bahay na gagamitin sa panligo. Kung sa amin ay faucet ang gamit nila dito ay water pump. Yung kailangan mo munang pagpawisan bago ka makaligo. At ang mas mahirap pa ay nag-iigib sa sila sa kabila. Wala pa namang lalaki sa kanila, paano nila nakakayang dalawang mag-lola?
Nang matapos kaming lahat ay na kaming pumasok sa loob. Toshiro sitted beside Ana, while Kyle was sitting on the arm rest.
"Grabe! Ang bango po!" sansala ni Ana.
Napatingin na lang ako kay Akiro na pormal na pormal habang nagluluto. He does'nt care about the smoke na galing sa kalan. Nagmumukha na siyang tinapa sa itsura niya.
Nagpasiya na kaming magsiligo bago kumain. Nauna na kami ni Ana bago ang mga lalaki. Tatlo na silang nagsabay-sabay maligo sa banyo para bawas sa makukunsumong oras. Bahala na sila kung mag-away-away sila doon. Dahil sa masikip na ay iisa pa ang tabo.
At hindi nga ako nagkamali, dahil dinig na dinig ko ang sigaw ni Toshiro. Tsk!
"Ate Amber, maganda po ba ito?" tanong ni Ana at ipinakita ang isang bestidang pula sa akin.
Tumango naman ako. "You can wear anything, Ana." sagot ko, dahil kahit na ano namang isuot niya, cute parin siya.
Ngumiti lang ito at inilapag sa papag ang damit niya at lumabas na. Nang biglang pumasok si Aling Pasing sa nagsisilbing kuwarto ko.
"Oh? Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong nito.
"Okay na sa akin ang damit na ito, Aling Pasing." sagot ko sabay tingin sa suot kong damit.
Nagdala si Toshiro ng panloob, pantalon at sapatos ko, pero wala siyang nadalang damit pang-itaas. Boyscouts nga talaga siya. Insert the sarcasm please. Kaya ipinahiram na niya sa akin ang puting damit niya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na ang tatlo. Nagsalo-salo muna kami sa hapag-kainan.
"Grabe! Ang pormal mo pang magluto kanina, Akiro. Pero tuyo, itlog at sinangag lang naman ang niluto mo!" puna ni Toshiro.
"Magpasalamat na lang tayo sa nakahain, Lord Todrian. Hindi ba, Aling Pasing?" wika nito.
"Wen. Dapat agyaman tayo nu inya man iti nakasango kinyayo. Ta isu iti inted iti apo." (Oo. Magpasalamat tayo sa kung anong najahain sa harapan natin, dahil ito ay bigay ng Diyos.)
Here she goes again with her alien talk.
"Kain na!" sansala ni Ana at isinawsaw ang kamay sa isang tabo. Ginawa ko rin ang ginawa niya at nilagyan ng fried rice ang plato niya.
"Salamat, Ate!" wika nito.Ngumiti na lang ako at kinuha ang
malaking plato na may lamang fried rice. Nilagyan ko ng kanin ang plato ng tatlo, gamit ang kamay ko. Kumuha rin ako ng tuyo at itlog. At inilagay ito sa tabi ng mga kanin nila.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...