Chapter 34: Last Will And Testament

2K 58 3
                                    

TOSHIRO

ILANG araw na ang nakalipas mula ng mamatay ang Chairman. Simula nang bumisita ang matandang si Mr. DenLuther dito ay naging tahimik na si Yuyan. Palagi na lang siyang mag-isa at ayaw niyang may dumidistorbo sa kaniya.

Masakit din para sa akin ang pagkawala ng chairman. Dahil naging pangalawang ama ko na siya. Pero mas masakit para kay Yuyan ang nangyari. Nakakatakot nga lang dahil kinikimkim niya ang emosiyong dapat niyang ilabas.

Pinapanood ko lang siya habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kaniyang kuwarto. Nakatayo naman si Yuyan sa terasa ng kuwarto at mukhang may malalim na iniisip habang sumisimsim ng alak. She's drinking liquor and it's very unusual. Kahapon ang crimation ni Chairman, pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakitang umiyak. Kahit isang patak ng luha ay wala akong nakita sa kaniya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin. Dahil sa'tuwing lalapitan ko siya, agad niya akong pinagtatabuyan.

At mas ikinabahala ko pa ay ang misyon niya. Nang tumawag si Jessie sa kaniya at nahanap ang isa sa mga kasapi ng Dark Society. Lumipad siya pabalik ng Pilipinas, ng hindi kami kasama. Nabalitaan ko na lang kay Jessie kung anong ginawa ni Yuyan sa mga taong iyon. Napakabrutal. Parang sa ganung paraan na niya inilalabas ang sama ng loob. Napapansin ko din na bumabalik na siya sa dati. Mas lumala pa nga. Kahit si Makoto ay hindi siya malapitan. Tsk.

Huminga ako nang malalim at sinubukan ulit na lapitan siya. Doble ang kabang nararamdaman ko habang palapit sa kaniya. Tahimik lang siya at mukhang hindi napapansin ang presensiya ko.

"Yuyan." tawag ko sa kaniya.

Ngunit wala parin siyang kibo.

"Yuyan." pag-uulit ko, ngunit ganun parin.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Naghihintay na si Attorney Helbush sa ibaba. Ikaw na lang ang hinihintay." sambit ko.

Napansin kong napaigtad siya at mukhang bumalik sa reyalidad. Pagkuwan ay ibinaba ang baso ng alak na hawak niya at ipinatong ito sa railings ng terasa, at walang sabing lumabas ng kuwarto.

Bagsak ang balikat kong sinundan siya ng tingin. Hanggang kailan ba siya magiging ganun?

Wala akong nagawa kung hindi ang sundam siya. Mahirap na dahil naroon din ang iba pang miyembro ng pamilya Jang.

Pagkarating ko doon ay halos manlamig ang kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa loob ng isang yelo, dahil sa lamig ng atmospera sa loob ng conference room. Maging si Attorney Helbush ay halatang hindi gusto ang malamig na atmosperang nanggagaling sa pamilya Jang.

Pinangungunahan  ni Yuyan na sobrang tahimik at ang awra ay napakalamig. Nakakadama rin ako ng takot kapag paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kaniyang mata.
Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong una kaming magkita, kung kailan ako ipinakilala ni Chairman sa kaniya.

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumikhim. Si Attorney Helbush lang pala. "Mukhang nandito na ang lahat. Babasahin ko na ang will ng Chairman." panimula nito.

"Go on Attorney Helbush. Nang makaalis na kami sa lugar na ito. Kanina pa kami naghihintay dahil sa babaeng iyan." pagpaparinig ng isang babaeng malapit ng holdapin dahil sa dami ng alahas sa katawan.

"Nga naman Attorney. Hindi ko maatim pang makita ang mga taong mukhang pera sa bahay na ito." sansala ni Yuyan.

"Pinaparinggan mo ba ako?" tanong naman ng babaeng may maraming alahas.

"Huwag ka namang magpahalata, Tita Olivia." sarkastikong segunda ni Yuyan.

Biglang napatayo ang babae kasabay ng paghampas nito sa mesa. Mabuti na lamang at inawat siya ng lalaking katabi niya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon