Chapter 1: Todrian's Mark

6.9K 87 10
                                    


👑👑👑
Before you read this story. Make sure na nabasa niyo na po ang Book One nito. Dahil kayo rin po ang maguguluhan kapag nauna niyong basahin ito bago ang Book One.😄😄

YUYAN


NAPAANGAT ako ng mukha nang sandaling marinig ko ang katok sa pinto. Kasabay ng pagbukas nito ang pagpasok ng pinakamaingay na taong sa buong buhay ko.

"Harper!"

"Harper!" pagtawag sa akin ni Tod.

Narito ako ngayon sa opisina kung saan pinag-aaralan lahat ng mga magiging target ko.

"Harper! May good news ako!" sigaw nito.

Tinignan ko lang siya at humikab, hanggang sa makaupo sa sa silyang nasa harap ng aking mesa.

"Ang sabi ko, may good news ako!" pag-uulit nito.

Umiling naman ako.

"Geez! Just spill it, Todrian." sambit ko at inayos ang nagkalat na files sa ibabaw ng aking mesa.

Nagkamot siya ng batok at sinamaan ako ng tingin.

"Later, I will have my own mark!" nagagalak nitong wika.

Tinapunan ko lang siya ng tingin at inilagay sa file case ang mga papeles ko.

"I'm happy for you." iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.

"But based on your reaction, you're not." nakangusong aniya.

Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang ay masaya ako para sa kanya. Dahil ngayon ay mangyayari na rin ang gusto niya.

"Tsk! As I have said, I'm happy for you, Todrian." pag-uulit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Thank you! By the way, can I invite you on a dinner date?" tanong nito at tumayo na rin sa pagkakaupo.

Gumuhit ng linya ang aking bibig at tumingin ako sa aking relo. May oras pa naman ako bago tapusin ang aking misyon.

"Dinner, Tod. Just a dinner." pagtatama ko.

Nakita ko ang paghaba ng kanyang nguso. He's tring to look pity. Tsk!
"You're so mean. Can you try to be nice sometimes?" aniya.

Ngumisi na lang ako at naglakad na. Pagkahawak ko palang ng seradura ay nilingon ko siyang muli. "Put a cloth on your mouth. I'm pretty sure, it'll be painful." sambit ko at tuluyang ng lumabas ng opisina.

Napangisi ako nang marinig ang pagsigaw niya mula sa loob. Naglakad ako patungo sa aking kuwarto. Pagkahiga ko sa kama ay nakatitig lang ako sa kisame. Ganito ang gawain ko simula noong dumating kami dito. Lalabas lang ako kapag may misyon at kapag wala naman ay nagkukulong lang ako sa opisina o kaya dito sa silid.

Halos magdadalawang taon na simula noong umalis kami ng Pilipinas. Wala na akong naging balita sa mga Kings, sa Emperors, kay Sheenah at Justine. Nang malaman ng Chairman ang nangyari sa akin sa Lordsville ay nagalit siya. Hindi siya nagalit dahil sa nangyari sa akin. Nagalit siya dahil may mga tao akong nadamay sa misyon. Kung kaya't binawalan niya akong sa pakikipagkomunikasyon sa Pilipinas. Even Todrian and Akiro. Noong una ay nakipagtalo pa ako kay Lolo, pero habang tumatagal ay sa nasanay na ako sa ganoong gawain. I don't know how to face them. Dahil nangako akong babalitaan ko sila, pero hindi ko nagawa.

Nabalik ako sa katinuan nang sandaling nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto. Bumangon ako at tinignan kung sino ang pumasok.
Si Manang.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon