YUYAN
ILANG buwan bago ko napagtanto ang mga bagay-bagay. Kung buhay pa si Toshiro at si Lolo, malamang ay hindi sila matutuwa na nagkakaganito ako.
Tama si Sheenah at Justine. Tama silang lahat. Hindi solusyon ang sa problema ang pagmumukmok ko. Kahit na ilang bote pa ng alak ang inumin ko. Kahit na ilang araw, buwan o taon pa akong magkulong sa kwarto. Hindi ko na maibabalik pa ang buhay ni Lolo at Toshiro.
Napabuga ako ng hangin nang sandaling pumasok sa isip ko ang nangyari kay Toshiro. Inaamin ko hanggang ngayon may pagsisisi parin akong nararamdaman. Pero mas nananaig na ngayon ang galit sa puso ko.
Galit sa mga taong gumawa sa akin nito. Kinuha nila ang buhay ng taong pinakaini-ingatan ko sa lahat. Kinuha nila ang taong araw-araw na nagpapasaya sa akin. Ang taong itinuring kong kapatid, matalik na kaibigan at pamilya.
Naalala ko noon kung paano kami nagkakilala ni Toshiro. I was just 10 years old that day. He was introduced by my Lolo, para magkaroon ako ng kaibigan. Pero dahil sa ingay at kulit niya, nasuntok ko siya sa mukha. Simula noon ay hindi na siya nagpakita sa akin.
Then one day, bigla siyang lumitaw bigla. Muli siyang ipinakilala sa akin ni Lolo. But that time not as a friend, but as my fiance. Wala akong nagawa noon, pero sinabihan ko na siyang hindi ko siya gusto. Ayos lang daw sa kaniya.
Toshiro doesn't deserved this kind of death. He's too kind. He's caring, gentleman, a brave man. How could his life ends like this?
My thoughts suddenly cutted when my door room swung open.
"Yuyan." tawag sa akin ni Aeron at nilapitan ako.
Tinignan ko naman siya. May dala-dala siyang folder at isang laptop. Pagkatapos ay naupo sa tabi ko.
"May auction na mangyayari bukas ng gabi. Kailangan mong pumunta dito dahil puro kilalang business man ang dadalo. At ayon sa source ko, kasama sa listahan ng auction ang painting at katana na ninakaw mula sa'yo." paliwanag niya na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit isasama sa auction ang mga ganung bagay?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Dahil karamihan sa dadalo ay kasapi ng Dark Society at underworld business. Ang katana nang iyong ina ay gawa sa napakatibay na bakal. Kahit anumang matigas na bagay ang itapat mo dito, hindi ito mapuputol o masisira." aniya at ipinakita sa akin ang laptop niya. May tinipa siyang kung ano, pagkatapos ay tumambad sa akin ang katana ni Mommy. "Ang mommy mo ay kilala sa pinakamagaling na assassin sa underworld. She is ruthless like you. Kaya naman ganun na lang kainteresado ng mga tao iyon para kunin ang katanang ginamit niya. Malaking halaga ang katapat nito. Ang painting naman ng mommy mo ay ipininta mismo ng daddy mo. Galing ito sa dugo ng mga pinatay ng mommy mo. Dahil nga sa kilala ang Daddy at Mommy mo sa underworld, maging ang painting ay pinagkainteresan nila." dagdag niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.
"Bakit mo alam ang lahat ng ito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Huminga siya ng malalim. "Si Tita Catalina kinuwento niya sa akin dati. Dahil kaibigan siya ng Mommy mo. Actually partners in crime daw sila. Hanggang sa isang araw ay mukhang alam daw ng Mommy mo na may mangyayaring masama. Kaya ibinigay niya ang katana niya kay Tita Catalina. Pero ang painting ay nasa Daddy mo. Nang malaman ni Tita na namatay ang Mommy mo. Nagtago na siya. Natakot dahil baka siya na ang isusunod. Nabanggit din niya sa akin ang tungkol sa Dark Society. Pinapalakad ito ng tinatawag nilang supremo." paliwanag niya.
"Supremo?" tanong ko.
Tumango siya. "Noong araw na kinuha niyo ako mula sa pinagtataguan ko. Nagsimula na akong mangalap ng impormasiyon patungkol sa Dark Society, dahil hindi ko maintindihan kung bakit mo ito hinahanap. Pero dahil kulang pa ako sa impormasyon ay hindi ko muna ito sinabi sa'yo." aniya.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...