YUYAN
KASALUKUYAN akong naghihintay nang tawag ng ibang tauhan ni DenLuther upang ma-trace ni Jessie ang kinaroroonan ni Gunner. Pinagbigay alam na namin sa kanila na hawak ko ang kanilang supremo.
Palakad-lakad lang ako sa sala habang naghihintay. Ramdam ko rin ang mga pares ng matang sumunod sa bawat pagkilos ko.
"Hay naku! Tumigil ka na nga Amber, ako ang nahihilo sa ginagawa mo." sita ni Sheenah.
Umiling naman ako. "Kinakabahan ako, parang may hindi magandang mangyayari." sambit ko.
"Ang nega mo talaga! Hawak mo na nga si DenLuther. Wala ka nang dapat ipangamba." paalala ni Justine.
Tumigil ako at tinignan sila. "Hindi dahil hawak ko na siya, wala nang ibang kikilos. May mga tauhan parin siyang nakakagalaw ngayon ng malaya." paliwanag ko.
Hindi ko maintindihan, pero sadyang hindi ako mapakali. Alam kong may binabalak na masama si DenLuther. Sandaling naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko.
Unregistered number ito, kaya mas lalo akong kinabahan. Agad ko naman itong sinagot.
Malademonyong tawa ang bumungad sa tenga ko. Halos marindi ako sa dahil dito at sandaling nailayo ito sa tenga ko.
"Nagulat ba kita, binibini?" tanong nito.
Naikuyom ko ang aking kamao habang pinapakinggan ang nakakairitang tawa niya.
"Sinabi ko naman sa'yo. Hindi ako magtatagal sa lugar na ito. Siya nga pala, pasensiya ka na at pinakialaman ko ang mga tauhan mo. Wala kasi silang mga silbi." anito at tumawang muli.
Napahilot na lang ako sa aking sintido.
"Kapag may isang nasaktan sa kanila, humingi ka na ng tawad sa lahat ng santong kilala mo. Dahil kahit si Satanas hindi ka mapapatawad." pagbabanta ko.
Ngunit tumawa lang ito. "Nakakatakot ka talaga. Hindi ko alam kung anong nakita sa'yo ni Arin. Masiyado kang bilib sa sarili mo, binibini." turan niya.
Ngumisi ako.
"Dahil kaya kong gawing posible ang imposible, Mr. DenLuther." saad ko. "Kaya pinapaalalahanan na kita." huminga ako ng malalim bago magsalita. "Oras na magkita tayo, magtago ka na sa saya ng iyong ina. Dahil hindi lang hita mo ang pupuntiryahin ko, pati kaluluwa mo." dagdag ko.
Tumawa lang ito at pinutol na ang linya.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking cellphone at tinignan si Jessie. "Na-trace mo ba?" tanong ko.
Tumango siya habang nagtitipa sa laptop niya.
"Get ready, my dear. This must be a bloody war." wika nito.
Tumango ako at nilapitan si Aeron na abala din sa laptop niya.
"Kailangan mo ng mas maraming armas, Amber. Nasa tatlong-daan ang mga tauhan ni DenLuther sa loob ng kanilang kuta." panimula nito habang kino-kontrol ang mini-drone na lihim naming pinalipad sa kuta ni DenLuther.
Kung tatanungin niyo kung paano namin nalaman ang kuta ng Dark Society, ay dahil kay Mr. Borris. Malaking tulong kahit papaano ang pagpapahirap ko sa kaniya para lang matunton ang lugar na matagal ko nang gustong wasakin.
"Nasa loob din sila Gunner, Martha at Hana. Nakakulong sila at nakakadena ang mga paa." paliwanag nito. "May mas magandang daanan, kakaunti lang ang kalab--"
"No, It's rude to enter without using the main door." putol ko sa kaniya.
"Pero mas maraming kalaban ang bubungad sa'yo pagpasok mo." wika ni Sheenah.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...