👑👑👑
Uhm.. I would like to say na nalalapit na ang pagtatapos ng mundo. Charot!😂😂 Malapit na ang pagwawakas ng pagmamahal niya. Joke only.😂😂
Okay! Seryoso! Malapit nang matapos ang Ruthless Assassin Book Two..
Kaya naman, samahan niyo ako sa cr, natatae ako. Hahaha Joke!Samahan niyo ako hanggang sa pagtatapos ng istorya na ito. Salamat!!!😊😊😊
YUYAN
BUMABA ako ng motor at naglakad palapit sa sementong nagsisilbing harang sa dagat. Ang malamig na simoy ng hangin, ang malakas na paghampas ng alon at ang papalubog na araw.
Napabuga ako ng hangin at naupo sa semento. Inilapag ko din ang bulaklak na dala ko. Nandito ako ngayon sa piyer. Kung saan ko nasaksihan kung paano namatay si Toshiro. Kung saan ko siya binigo.
Napatingala ako sa langit. The sky is wary. Anumang oras ay maaaring bumagsak ang malakas na ulan. Pero mas nauna pa palang tumulo ang luha ko. Nagbaba ako ng tingin at mapaklang ngumiti. Pagkatapos ay tumingin sa malawak na dagat.
"I'm here, Toshiro. How are you?" tanong ko at napapunas na lang ng pisngi. "I hope you're fine."
Natawa ako bigla. Sinong taong magiging masaya at maayos ang lagay kung sumabog ang katawan mo?
"I'm sorry, Toshiro. I'm so sorry." sambit ko at napahagulgol na lang. Hanggang ngayon, nandito parin ang sakit, pagsisisi at galit. "I'm sorry, Toshiro. Hindi kita nailigtas. Hindi kita nailigtas." halos pabulong ko ng sabi dahil parang may kung ano nang bumabara sa lalamunan ko.
Napahawak na lang ako sa aking dibdib at ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpatak ng malamig na tubig mula sa itaas. Umuulan na pero wala parin akong balak umalis sa lugar na ito. Gusto kong manatili kung saan naroon si Toshiro. Pakiramdam ko nasa tabi ko lang siya. Kaya naman hindi ako aalis. Hindi pa.
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa namalayan kong hindi na ako nauulanan. Napatingala ako at tumambad sa akin ang payong. Hawak ito ni Kace na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.
"What are you doing here?" tanong ko at palihim na nagpunas ng luha.
"They're worried about you." anito at naupo sa tabi ko. Hindi niya alintana kung basa man ang uupuan niya.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging malakas lang na buhos ng ulan ang naririnig ko.
Hanggang sa nagpasya akong basagin ito.
"This is the place where I saw Toshiro for the last time. I saw the fear in his eyes. How his body struggled from the ropes around him." kuwento ko habang inaalala ang itsura ni Toshiro bago siya mamatay.
"Naipaghiganti ko sila kahit papaano. Pero bakit ganito? Bakit hindi ako nakakaramdam ng saya?" tanong ko.
"Dahil hindi mo pa napapatawad ang sarili mo, Amber. Kahit na hindi mo sabihin, alam naming sinisisi mo parin ang sarili mo." tugon niya.
"Dahil 'yun ang totoo, Kace." giit ko.
Umiling siya. "The Amber we knew, is a strong and a brave woman. y
You can handle it." saad niya.Nagbaba ako ng tingin. Habang patuloy parin ang pagbuhos ng ulan.
"Just because I am strong enough to handle everything, it does'nt mean I deserve this pain at all." turan ko. "Yes, I am a demon. But do I deserve this?" tanong ko sa kaniya at tinignan siya.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...