YUYAN
"GOOD MORNING everyone!" masayang bati ni Toshiro. Wearing his wide smile.
Bumati naman ang iba sa kaniya. Abala ang lahat ngayon sa pagluluto ng almusal. Tinutulungan ko naman si Aling Pasing sa paghihiwa ng sangkap para sa sopas.
Habang si Kapitan Alejandro ay ipinatawag sa baranggay hall dahil may mahalagang anunsiyo ang alkalde.
Nilapitan ako ni Genny na kakatapos lang magwalis sa bakuran ng bahay. Dito din siya nakatira ngayon dahil ang kaniyang ina ay nasa abroad.
"Talaga bang uuwi na kayo ngayon?" tanong nito.
Tumango ako. "May trabaho kaming dapat asikasuhin. Ilang araw ko nang hindi nabibisita ang kompanya ko. Baka nagkaaberya na." pagsisinungaling ko.
"Ganun ba?" may lungkot sa tono ng boses niya.
"Anu ka ba, Genny. Makikita parin naman natin si Amber. Hindi ba?" sansala ni Aling Pasing.
Tumango naman ako at nagtungo sa lababo para maghugas ng kamay. Tapos ko nang hiwain ang sibuyas, bawang at iba pa.
"Bibisita ako rito upang tignan ang kalagayan ng magiging ospital. And also to visit Ana." sagot ko at hinarap siya.
Sumilay naman ang ngiti sa labi niya. "Huwag mo kaming kalilimutan, ah." aniya. "Pasalubong narin!" natatawa nitong dagdag.
Ngumiti na lang ako. Kahit sa maikling panahon na nakasama ko sila, nagpapasalamat ako dahil naranasan kong maging masaya.
Pag-alis ko sa lugar na ito mamaya. Babalik na naman ako sa madugo kong mundo. Mundong puno ng karahasan at patayan. I wish I could stay here forever. Away from blades, guns and bloods. Away from death.
Nabalik na lang ako sa reyalidad nang kalbitin ako ni Genny sa braso.
"Uy! Natulala ka na diyan. May problema ba?" tanong niya.
Napailing na lang ako. "Wala naman, may naalala lang ako." sagot ko.
Magtatanong pa sana siya, pero bigla na lang kaming tinawag ni Aling Pasing na ngayon ko lang napansin na wala na dito at nandoon na sa sala.
Mabilis namang inagkla ni Genny ang kamay niya sa braso ko at hinila palabas ng kusina.
MASAYA at napuno ng tawanan ang hapag dahil sa mga biro ni Toshiro at Adrian. Hindi ko alam kung anong nangyari at mabilis silang nagkasundong dalawa. Maybe, because they're are the same when it comes to jokes.
Kasama narin namin si Kapitan Alejandro. Nasabi niyang ipinaalam lang ni Don Bonifacio na sa kanila na ang lupang ito.
Nabanggit din niyang pupuntahan muna namin ang lupa kung saan kami magpapatayo ng ospital. Kailangan ko rin daw tignan kung maganda ba at ligtas ang pagtatayuan ng gusali. Maging ang kalidad ng materyales na gagamitin upang mas matibay at magtatagal ang ospital.
Kaya nagpasya kaming kahit gabi na kaming umuwi. Para iwas nadin daw sa traffic, suhestiuon ni Kyle. Sumang-ayon na rin ako.
Nang makapagpahinga ay nagtungo na kami sa lupang pagtatayuan ng ospital. Kasama ko ngayon si Kapitan Alejandro, Adrian, Toshiro, Kyle, Akiro, si Mr. Ramos na siyang architect at si Mr. Castolino na siyang engineer. Si Joseph mismo ang nagrekomenda ng dalawa sa akin. Ayon sa kaniya ay maayos at maganda ang mga proyektong natapos ng dalawa. Ipinakita nila sa akin ang blueprint at ang magiging layout ng gusali.
"Kayo na ang bahala, Engineer. Basta siguraduhin niyong maging ligtas ang mga pasyente dito sa Barrio Masilong. Baka isang mahinang lindol lang ay bumigay na ang ospital." turan ko.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...