YUYAN
BUMUKAS ang elevator at saktong pumasok ang susunod kong target. Tila hindi niya ako napansin dahil mabilis lang niyang pinindot ang button ng floor kung saan ang room niya.
Ngumisi na lang ako nang makitang napahilot siya sa kaniyang sintido. Hanggang sa tumunog ang elevator at bumukas ito. Hinayaan ko muna siyang makalayo. Bago ko siya sundan. Hanggang sa marating niya ang kuwarto niya.
Napansin kong tinignan muna niya kung tama ang kuwarto sa harap niya. Tumango-tango ito at tuluyan nang pumasok. Naglakad ako palapit dito at kung sinuswerte nga naman ay nakalimutan niyang i-lock ito. Hindi ko na kailangan pang gamitin ang spare card na hawak ko. Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ang lalaking tulog.
Dahil sa sobrang himbing ng kaniyang tulog. Hindi niya namalayan ang presensiya ko.
"Time for you to meet my Lucifer, Mr. Gonzalo." I muttered and pointed the muzzle of the gun and pull the trigger. And slit his throat without blinking.
I left the room immediately, leaving him breathless and should I say, headless. Pagkatapos ay nagtungo sa kalapit niyang kuwarto. Third and fourth target must be ready.
Nakatayo ako sa harap ng pinto niya at nilagay ang keycard sa lock nito. With Aeron's magic, I have their keycards duplicate too.
Pumasok ako sa loob at napansing wala pa ang target ko. Nilibot ko ang paningin sa buong kuwarto. Habang naghihintay ay pinindot ko ang button sa earpiece na nasa tenga ko.
"Prepare the two bodies. Hihintayin ko lang ang dalawa." sambit ko sabay titig sa cellphone na nasa sidetable ng kama.
Napangisi ako nang makita sa screen nito ang magkambal. How pity. Pati sa negosyo parehas talaga sila?
Natigil ako sa paglilibot nang marinig ang kaluskos galing sa labas. Mabilis ang nagtago sa banyo at hinintay silang makapasok.
Nang marinig kong parehas silang bumagsak sa kama ay lumabas na ako. Nakangisi lang akong nilapitan sila.
"Say goodbye to your beloved brother." aniko at binaril ng walang pakundangan ang dalawa. At ginilitan ang leeg.
Pagkatapos ay pinindot muli ang earpiece sa aking tenga.
"Pick this two. And be sure na okay na ang lahat." utos ko sa kabilang linya.
Pagkuwan ay lumabas na ako ng kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko sa coat at tinipa ang numero ni Jessie.
"Clear all the cctv." utos ko dito at pinatay na ang tawag.
Naglakad ako na parang normal pababa ng hagdan at nagtungo sa hall. Kumuha ako ng isang tray ng wine at muling naglibot sa paligid na parang walang nangyari. Pasimple akong nagtungo sa mesang kinaroroonan nila Kyle at Aeron.
"Wine, Miss?" nakangising tanong ko kay Aeron.
"Ginulat mo naman ako!" aniya. Mukhang hanggang ngayon ay kinakabahan parin siya. "Wala bang gamot iyan?" tanong nito.
Umiling ako. "The monsters has been sent to hell." saad ko, sapat na para marinig nilang dalawa.
"You're ruthless." komento ni Kyle.
Ngumisi na lang ako at iniwan sila. Kailangan ko nang magpalit ng damit para masimulan na ang napakaganda kong surpresa. Siguradong ikatutuwa ito ng supremo.
Nagtungo ako sa banyo naming mga crew at kinuha ang damit ko sa bag. Inalis ko ang prostetic mask na nakakabit sa aking mukha at nagpunas ng wipes. Naghubad na ako at nagsimulang mag-make up. Inayos ko na rin ang aking buhok at isinuot ang sapatos na dala ko. Napangisi ako nang makita ang repleksiyon ko sa salamin.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
AcciónShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...