Chapter 23: Adrian

2K 53 7
                                    

YUYAN

NAGISING ako dahil sa tilaok ng mga manok. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at halos manlaki ito dahil sa kawayang kisame at pawid ang tumambad sa akin.

"Nanay! Nanay! Nakariing isunan!" (Nanay! Nanay! Gising na siya!)

"Nanay! Partakan yo! Nakariing isunan!" (Nanay! Bilisan niyo! Gising na siya!)

Dahan-dahan akong napaupo nang marinig ang tinig ng isang batang babae. Nasapo ko rin ang aking tagiliran nang bigla itong sumakit. Masakit rin ng bahagya ang aking likuran dahil sa tigas ng kinahihigaan ko. Tanging banig lamang ang nagsisilbing latag ko rito.

Inilibot ko ang aking paningin. At nang mapagtanong wala ako sa ospital ay nagtaka na ako.

Where am I?

Nahinto ako sa pag-iisip nang bumukas ang kawayang pinto ng kuwarto kung saan ako nakatulog. At pumasok ang babaeng nasa edad singkwenta na. Bakas ang katandaan sa kaniyang mukha at ang puti na nitong buhok.

Ngumiti ito sa akin at nilapitan ako.

"Naimbag nga bigat mo, basang. Naragsak ak ta nariing kan. Inya iti mariritnam?" (Magandang umaga, iha. Masaya ako at nagising ka na. Anong nararamdaman mo?)

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong naintidihan, ngunit base sa tono ng kaniyang pananalita ay mukhang tinatanong niya ako.

Biglang tumakbo palapit sa amin ang batang babae. Kaya napatingin ako sa kaniya. Siya siguro yung sumigaw kanina.

"Naragsak ak nga makita ka nga nakariingen, manang. Mayat ba ritna mon?" (Masaya ako dahil najita na kitang gising, ate. Mabuti na ba ang pakiramdam mo?)

Pinakatitigan ko lang siya, dahil sadyang wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Kulang na lang isipin kong minumura na nila ako. Tsk.

Biglang tumingin ang bata sa matandang nasa harapan ko.
"Nay, madin sa met isuna makataros iti ilokano?" (Nay, hindi yata siya nakakaintindi ng ilokano?)

Ginulo naman ng matanda ang buhok ng batang babae. "Isu pay a, anak ko. Ingka man kitde itimplaan iti kape na. Ken mapan ka idjay garrita ta gumatang ka iti tinapay na." (Oo nga, anak ko. Timplahan mo nga siya ng kape at pumunta ka sa tindahan, bumili ka ng tinapay niya.)

Mas kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi nila. Hanggang sa umalis ang batang babae at nilingon naman ako ng matanda.

"Apay tagatno ka aya?" (Bakit taga saan ka ba?)

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at pinakatitigan lang ang matanda. Mukhang nakuha niya ang ipinupunto ko at naupo sa gilid ng papag.

"T-Taga sa saan ka, iha? N-Nakita ka lang namin sa kalsada na duguan. Kaya dinala ka na namin dito sa bahay dahil malayo ang ospital dito. At isa pa wala kaming pambayad sa ospital kung sakali mang itakbo ka namin doon." paliwanag ng matanda na halatang nahihirapan sa pananagalog.

Tinignan ko muna siya at ibinaling ang tingin sa aking binti. May benda na rin ito katulad sa aking tiyan. Ngunit sa balikat ay maliit lang na tela ang nagsisilbing panangga sa dugo.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.

Magsasalita na sana ako kaso biglang nanuyo ang lalamunan ko. Mukhang nahalata niya naman kaya dali-dali siyang kumuha ng tubig sa pitsel at inabot ang isang basong tubig sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip na inumin ito dahil narin sa panunuyo ng aking lalamunan.

"Ilang araw na akong walang malay?"

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon