GUNNER
HALOS paliparin ko na ang sasakyan ko habang sinusundan ang sasakyang pag-aari ni Mr. Borris. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Kace tungkol sa binabalak nilang ipapatay, ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.
Habang sinunsundan ang pulang sasakyan ay biglang nag-red ang traffic light. Napapreno agad ako at muntik ng mauntong sa manibela.
"Darn it!" singhal ko nang makita ang papalayong sasakyan. Ilang segundo pa ang lumipas bago mag-green ang traffic light.
Dumiretso ako kung saan ko huling nakitang dumaan ang sasakyan ni Mr. Borris ngunit sa kasamaang palad ay wala na akong makitang pulang sasakyan. Nahampas ko ang manibela dahil sa inis.
"Damn it! Damn it!" singhal ko at bumuwelta na pabalik ng mansiyon. Ngunit napapreno akong muli, nang mahagip ko ang isang pamilyar na sasakyan.
Kahit na hindi kami magkasundo ni Vanessa, alam kong kaniya ang sasakyang iyon. Patungo siya sa direksiyong salungat sa direksiyong tinatahak ko.
"Saan naman kaya siya pupunta?" tanong ko sa aking sarili.
At dahil sa nadala sa kuryusidad ay, siya naman ang sinundan ko. Pansin kong malayo-layo na din ang narating namin. Hanggang sa huminto siya sa isang abandunadong gusali.
Itinigil ko ang sasakyan, malayo sa kinaroroonan niya. Kumunot ang noo ko nang mapansing mukhang may hinihintay siya. At hindi nga ako nagkamali, dahil may isang van na huminto sa harap niya at niluwa ang dalawang lalaking nakasuot ng maskra.
At mas kumunot ang noo ko nang mapansin ang babae at isang batang nakabusal ang mga bibig at nakatakip ang mga mata. Wala silang malay, kaya malaya nila itong binubuhat nang hindi pumapalag. Pinasok nila ang mga ito sa gusali, at sumunod naman si Vanessa.
Luminga-linga pa sa paligid ang isang lalaki bago pumasok ng loob. Dala ng kyuryusidad ay bumaba ako ng sasakyan at nagtungo sa gusali. Nakasarado na ang pinto nito kaya wala akong nagawa kung hindi ang dumaan sa hagdan patungo sa fire exit.
Mabuti na lamang at walang bantay ang rooftop. Malaya akong nakatapak dito at nagtungo sa ibabang palapag. Ngunit bago ko pa marating ang isang silid ay narinig ko ang boses ng lalaki.
"Sa tingin mo, anong gagawin ni boss sa dalawang iyan?"
"Malay ko. Ang utos lang sa atin ay dukutin sila at babayaran niya tayo ng malaki."
"Kung dudukutin, bakit kailangan pa nating nakawin yung painting?"
"Huwag ka na ngang masiyadong maraming tanong! Baka kung anong isipin ni boss!"
"Siya nga. Tara na at igapos na natin ang babaeng ito."
"Siguraduhin mong mahigpit ang pagkakatali mo, kung hindi lagot tayo kay boss niyan! At baka hindi pa tayo bayaran."
"Tara na sa baba at nang magkapartehan na tayo sa bayad."
Ilang minuto pa ang lumipas bago sila lumabas ng silid. Nang mawala sila sa paningin ko ay pumuslit ako papasok ng kuwarto.
Madilim ang paligid at tanging isang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag ng silid. Inilibot ko ang paningin at natanaw ko sa pinakadulo ng silid ang dalawang taong dinukot nila.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...