MOTHER'S DAY

1.9K 54 3
                                    

Break muna sa Assassination. Take time to read this poem, written by yourstruly..

*********

Isang magiting na nilalang na nilikha ng Diyos.
Kung magmahal sa mga anak ay hindi kinakapos.
Kung isalalarawan ang ina ay napakadakilang lubos.
Mga sakripisyo't pagmamahal niya ay di nauubos.

Ipagluluto ka ng mga pagkaing masasarap.
Gagabayan at susuportahan ka sa iyong mga pangarap.
Mayaman man o mahirap.
Ang papel ng isang ina ay napakahirap.

Ang papel ng pagiging ina.
Hindi matatawaran ng malaking pera.
Kahit na siya ay uugod-ugod na.
Pagmamahal niya ay hindi mawawala.

Minsan luto man niya ay mapakla at maalat.
Araw-araw sana tayong magpasalamat.
Dahil si ina ay ginagawa ang lahat-lahat.
Para sa ikabubuti ng mga anak.

Anak ako ng isang inang OFW,
Alam kong marami ang katulad ko sainyo.
Bakit ba kailangan nilang magtrabaho sa malayo?
Isipin niyo nalang na ang sakripisyo nila ay para sainyo.

Matigas man minsan ang aming ulo.
Pangaral niyo ay aming isinasaulo.
Laging nakikinig sa mga payo niyo.
Dahil ikabubuti naman namin, 'yun ang sabi niyo.

Alam niyo bang naiiyak ako habang tinatype ito?
Hindi naman ako gaano kaexpressive na tao.
Pero dahil mahalagang araw naman ito.
Ipagmamalaki ko ang pinakadakilang ina sa mundo.

Shoutout sa MAMA ko!!
Salamat sa lahat ng sakripisyo niyo.
Salamat sa walang sawang pagmamahal niyo.
Kayo ang dabest MAMA sa buong mundo.

HAPPY MOTHER'S DAY.. SA LAHAT NG MGA INA SA MUNDO...💐💐❤❤❤❤

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon