Chapter 32: Mr. Marlon DenLuther

1.9K 50 9
                                    

YUYAN

NANGANGATOG ang mga binti ko, habang pababa ng sasakyan. Halos hindi na ako natulog kahit mahaba ang aming naging biyahe. Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na wala na si Lolo.

Ang taong nagpalaki sa akin. Ang tanging naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Ang taong naging ama sa akin. Ang taong pinakayaw kong mawala sa lahat. Ang taong nagturo sa akin kung paano lumaban at tumayo sa sarili kong mga paa.

Pakiramdam ko ay wala na akong ganang mabuhay pa. Pakiramdam ko inalisan ako ng karapatang mabuhay sa mundong ito. Pakiramdam ko ay binawi na ng Diyos ang pangalawang buhay na ipinahiram niya sakin. Pakiramdam ko gumuho ang mundong ginagalawan ko.

"Lady Yuyan." tawag sa akin ni Akiro na ngayon ay naghihintay pala sa akin.

Napahinto na pala ako sa paglalakad habang nasa harap ng chapel. Napalunok ako at pilit na tinatatagan ang sarili. Dahil anumang oras ay parang babagsak na ako.

Taas noo akong nagpatuloy sa paglalakad habang papasok ng chapel. At halos naikuyom ko ang kamao nang makita ang isang parihabang itim na kahon. Katabi nito ang mga ilaw at iba't-ibang bulaklak na naroon.

Diretso lang ang tingin ko at nakapako lang ang mga mata ko sa kabaong na naroon. Pero pansin ko ang mga taong nakaitim at pawang nakayuko. Ang iba ay nagbubulungan na. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makita ang taong pinakaayaw kong mawala sa lahat. Ang Lolo ko.

Hanggang sa marating ko ang tapat ng mismong kabaong ni Lolo. Nagtiim ang bagang ko habang nakatingin lamang sa lalaking mapayapang natutulog sa loob nito.

"Condolence, Lady Yuyan."

Napukaw ang atensyon ko sa isang lalaking nagsalita mula sa aking likuran. Ngunit hindi ko na ito tinignan. Dahil kahit ilang condolence pa ang matanggap ko, walang magbabago na patay na si Lolo.

Nang may humawak sa aking balikat. Pagtingin ko ay tumambad sa akin si Makoto.

"Yuyan." tawag nito at bigla akong niyakap.

Tumango lang ako at hinaplos siya sa likod, dahil bigla na lang siyang humagulgol.

"It's okay. Everything is going to be alright." bulong ko. Kahit na anumang oras ay babagsak na rin ang mga luha ko. Ayokong ipakitang mahina ako sa harap ng maraming tao.

"W-Wala na si L-Lolo, Amber. Iniwan na niya tayo." Makoto said between his sobs.

"You should rest, Liam. Ako na muna ang bahala dito." sambit ko at tinignan si Akiro.

Mukhang nakuha naman niya ang punto ko at inalalayan si Liam na ngayon ay nagpupunas na ng kaniyang luha. Ako naman ay naupo sa tabi ni Kyle at Toshiro.

Nang lapitan kami ng isang lalaking may edad na.

"Lady Yuyan." tawag nito habang nakayuko.

Pinakatitigan ko lang naman siya at hinintay ang susunod na sasabihin niya.

"We need to talk." dagdag nito.

Tumango naman ako kahit wala akong ideya sa kung anong pag-uusapan namin.

Tumayo ako. "Okay." sambit ko at nauna ng maglakad patungo sa isang pribadong silid.

Naupo ako sa isang single na sofa habang siya ay nasa mahabang sofa naupo.

"Spill it." utos ko.

Tumikhim siya bago magsalita. "By the way, I am Attorney George Helbush, your grandfather's personal laywer. I'm here to tell you something."

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon