Chapter 3: Welcome Home

3K 71 6
                                    

YUYAN

ABALA kami ni Toshiro sa pagiimpake. Nang malaman niyang uuwi kami ng Pilipinas at may bagong misyon, ay tuwang-tuwa ito dahil sa wakas ay makakabalik narin siya doon. Samantalang ako ay kinakain na ng kaba, takot at sobrang pag-iisip. Bukas na ang uwi namin sa Pilipinas at pakiramdam ko ay sinisentensyahan ako dahil dito.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaba? Dahil ba sa bago kong haharaping misyon o dahil ba sa makikita ko nang muli sila, lalo na si Gunner. Tsk!

Ngunit kailangan ay muli kong tapusin ang misyon doon. Dahil kung dati ay may napahamak na, ngayon ay sigurado akong mas marami pa ang mapapahamak.

Batay sa impormasyong nakalap ko sa data ni Mr. James, ay talagang napakalaking organisasyon ang papasukin ko. Pakiramdam ko ay para akong nasa gyera na walang kahit na anumang armas.

Napatingin na lang ako sa pinto nang sandaling bumukas ito. Dumungaw si Todrian, suot ang malapad nitong ngiti.

"Done packing my things! 'Bout you, Harper?" tanong niya at pumasok sa aking kwarto.

"Not yet," sagot ko. "And it's Yuyan, Toshiro." pagtatama ko at nagpatuloy sa pagtupi ng damit. Napansin kong lumapit ito sa akin at naupo sa gilid ng kama. Ngunit hindi ito umimik at nakatitig lang sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Sa tingin mo, magiging masaya ba ang pagbabalik natin doon?" pambabasag ko sa katahimikan at isinara na ang maleta.

Sandali pa ang lumipas bago ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. "Alam mo Yuyan, walang kasiguraduhan na magiging masaya ang pagbabalik natin doon. The fact na mas malalaking organisasyon ang papasukin natin and the fact na kailangang iwasan nating may madamay pang iba. Hindi ko maikakailang mahihirapan tayo sa misyon na iyon, pero ito lang ang sisiguraduhin ko saiyo," sandali itong huminto kaya naman ay natapunan ko siya ng tingin.

"Lagi akong nasa likuran mo, Yuyan. Karamay mo ako sa kahit na anong oras. Alam kong may kaba kang nararamdaman sa pagbabalik mo, pero iwaksi mo ito dahil isa kang assassin. Ang isang kagaya natin ay hindi dapat nakakaramdam ng kaba. Huwag kang papakain sa nararamdaman mo, baka iyan ang ikamatay mo." aniya at tumayo na. "Pupuntahan ko lang si Kyle." paalam nito at lumabas na ng kwarto.

Nakatitig lang ako sa pinto kung saan lumabas si Toshiro. Sa tinagal-tagal ng panahong kasama ko siya. Ang mga salitang binitiwan niya ngayon ang siyang napakagandang salitang narinig ko mula sa kanya.

Napangiti ako ng wala sa oras. Masasabi kong malaki na ang pinagbago ni Toshiro sa loob ng dalawang taon. At masasabi kong malaki na rin ang pinagbago ko simula nang makilala ko sila.

*    *    *

PAGKALAPAG na pagkalapag ng private plane ng aming pamilya, hindi parin nawawala ang kaba sa aking dibdib. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Gusto kong bumalik sa plane at lumipad pabalik ng America.

Agad kaming sinalubong ng men in blacks upang kunin ang aming mga gamit.

"Nakausap mo na ba si Akiro?" tanong ko kay Toshiro. Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan, pauwi sa dati naming bahay.

Katabi ko si Toshiro habang nasa harap naman si Kyle. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ako makikitungo sa kanya. Lalo na't siya ang magiging kasama ko sa misyong ito at hindi si Toshiro.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon