Chapter 38: The Reunion

1.9K 44 3
                                    

SHEENAH

MAGARBO ang party ni Martha. Maraming bigating tao ang dumalo. May ilan akong nakitang nag-aaral dati sa Lordsville kasama na si Trigine at may mga taong mukhang kaibigan ng Lolo ni Martha.

"Sheenah." tawag sa akin ni Justine na nasa tabi ko.

Kasalukuyan nasa entablado para ibigay ang regalo namin sa kaniya.

"Oh, Bakit?" tanong ko.

"Wala naman." nakangiting sambit niya.

Na-weird-uhan ako bigla sa ikinikilos niya. Kanina pa siya ganiyan simula noong bumalik sila ni Nixon sa mesa. Nakangiti silang dalawa na parang aso.

"Happy Birthday, Martha!" masayang bati ni Justine at ibinigay na ang regalo sa kaniya, sabay yakap.

"Thank you, Justine." wika ni Martha.

Nang ako naman ang nag-abot ng regalo ay niyakap ko rin siya. "Happy birthday, tumatanda ka na." pagbibiro ko, dahilan upang tumawa siya.

"Tumatanda na tayo, kamo." aniya.

Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti at bumaba na sa entablado. Nakangiti akong bumalik sa mesa namin kung nasaan ang iba. Dahil sa kaibigan kami ni Martha, sa harap kami mismo nakapuwesto. Talagang inilaan para sa amin ang mahabang mesa.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay kumunot bigla ang noo ko nang makita si Todrian sa harap ni Martha.

"Teka? Si Todrian ba iyan?" tanong ko at nilingon si Justine na siyang katabi ko.

Nakangiti ito at tumango. "Si Todrian nga." aniya.

"Inimbitahan sila ni Martha." sagot naman ni Nixon.

Mas kumunot ang noo ko. "Anong sila?" nagtatakang tanong ko. Hanggang sa natutop ko na lang ang aking bibig. "Don't tell me, nandito si--"

"And last but not the least." naputol ang sasabihin ko nang si Martha mismo ang nagsalita.

"Yuyan Jang." nakangiting anito.

Kasabay nang pag-akyat ng babaeng matagal ko ng gustong makita.

"Amber?" tawag ko dito habang pinagmamasdan siyang kayakap si Martha.

Nilingon ko ang iba. Halatang nagulat din sila Madrix, Ryker, Steel, Thorn, Kace, Kuya Lord, Kane, Slate, at Blaze. Pero sila Zander, Zeke at Nixon ay pawang nakangisi lang.

"Atlast, nagpakita ka rin." bulong ni Zeke.

"Teka? Alam mong buhay siya?" tanong ko.

Tumango ito. "Matagal na."

Napailing na lang ako at tinignan si  Nixon na ngayon ay nakangiti at parang nakakita ng anghel.

"Maging ikaw Nixon?" tanong ko sabay turo sa kaniya.

Wala sa sariling tumango ito. "Si Zander ang tanungin niyo, magkasama sila noong umuwi sila dito, eh." wika niya.

Mas lalo kaming nagulat.

"Teka! Si Zander?" tanong ni Madrix.

"Ibig sabihin, si Amber ang fiancee mo?" gulat na tanong ni Lord.

"Siya si Nica Cresent?" tanong ni Steel.

"God! Paano nangyari yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Blaze.

"Alam kong buhay si Amber. Pero hindi ko alam na alam niyo din." sambit ko.

"So, alam mo Sheenah?" tanong ni Kuya Lord.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon