YUYAN
NARITO kami ngayon sa hotel room kung saan na kami nakacheck-in. Mamayang gabi pa naman ang party kaya makakapag-pahinga pa kami.
"Grabe! Akala ko hindi ka na sisipot! Saan ka ba galing? Halos magkakasabay lang tayong dumating, hindi ba?" sunod-sunod na tanong ni Toshiro.
"Uy! Ano na? Bakit ang tagal mo kako?" tanong muli ni Toshiro.
Tinignan ko naman siya at inalala ang nangyari kanina, kaya ako natagalan.
**Yuyan's Flashbacks**
Paandarin ko na sana si Willford papasok ng arena, nang sandaling may mahagip ang aking mata.
Isang itim na sasakyan na lulan ng dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit may sariling pag-iisip ang mga paa ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay nagtungo sa madilim na parte ng parking area.
Habang naglalakad patago ay hindi ko inaalis ang tingin sa dalawa. Hindi ko kita ang lalaki nang makababa sila ng sasakyan, tanging ang babae lamang.
"Goodluck." sambit ng lalaki at hinalikan ang babae sa pisngi.
"Don't worry, love. For sure mananalo ako. Magkita na lang tayo mamaya." wika ng babae at sumakay na muli sa kotse niya. Pagkatpos ay pumasok na sa arena.
Naiwan ang lalaking nakatayo habang pinagmamasdan ang kasintahang papalayo.
Mabilis naman akong magtago sa madilim na parte, nang biglang lumingon ang lalaki sa kinaroroonan ko. Mukhang napansin niyang may nakatingin sa kanya. At halos manlaki ang mata ko nang makilala siya.
"Gunner..."
***End of Flashback***
Umiling na lang ako bago magsalita. "Naidlip lang ako." sagot ko.
"Nang ganun kaaga?" nagugulat na tanong ni Toshiro.Ngunit tinignan ko na lamang siya at hindi na kumibo. Dahil kapag sinabi ko ang nakita ko kanina, ay baka may masabi na naman siya.
Pumasok na lang ako sa banyo upang maligo at habang nagbababad ay hindi nawala sa isip ko ang nasaksihan kanina. Namamalikmata lang ba ako o talagang si Gunner nga ang nakita ko? Tsk!
Napahilamos ako ng mukha at huminga ng malalim, pagkatapos ay inilublob ang sarili sa bathtub.
Isang oras siguro akong naglagi sa banyo bago magpasyang lumabas. Diretso ako sa closet ko upang kumuha ng damit. Nang makabihis ay nagtungo ako sa kama upang mahiga. Pero napatingin na lang ako sa pinto nang may kumatok at sumilip si Toshiro.
"Nagugutom ka na ba?" tanong nito at tuluyan ng pumasok. May dala-dala itong tray na may pagkain. "Kumain ka na muna, mamaya ay magsisimula na ang party." wika nito.
Bumangon na lang ako at nagsimula ng kumain.
"Kumusta na pala ang paghahanap mo kay Tres?" tanong nito.
Umiling lang ako, dahil hanggang ngayon ay wala parin akong plano. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala ako sa pagbawi ng ari-arian nila Sheenah at sa ibang bagay. Nakalimutan ko na ang pagpaplano para sa Dark Society. Tsk!
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...