Chapter 39: When His Face Turn Red

2.1K 62 12
                                    

YUYAN

"EXCITED na ako para sa outing, Yuyan!" nakangiting wika ni Toshiro habang tinutulungan akong mag-impake ng gamit ni Colton.

"Me too, Kuya!" segunda ni Colton.

"Saan ba tayo magbabakasyon, Yuyan?" tanong ni Toshiro.

"Sa Pangasinan." sagot ko at habang isinasara ang bag ni Colton.

"You mean, kila Aling Pasing?" tanong niya.

Tumango ako. "I want to visit them. At isa pa, gusto ko rin makita ang lagay ng ospital." sagot ko.

"Hindi ba't wala namang pasiyalan doon?" tanong nito.

"Marami. Nasabi sa akin ni Aling Pasing na may mga beaches daw sa Pangasinan. Kaya naisip ko na doon tayo. Gusto ko rin ng sariwang hangin." tugon ko.

Tumango-tango na lang siya.

"Tara na, baka tayo na lang ang hinihintay." sambit ko at hinawakan sa kamay si Colton.

Pagbaba namin ay nasa baba na sila Kyle, Akiro at Aeron. Mukhang kami na lang ang hinihintay.

Bale apat na van ang sasakyan namin papuntang Imperial Port. Sinabihan ko na rin ang iba na magcommute na lang o magpahatid na lang sa mga driver nila papunta doon dahil may sasakyan na kami.

Si Kyle sa isang van. Si Akiro naman sa isa, pagkatapos si Toshiro sa isa at ako naman sa isa pang van. Dito kasama ko na sila Colton at Aeron.

Ilang minuto ang naging biyahe bago namin narating ang port. Bumaba na kami ng sasakyan upang puntahan sila.

"Kanina pa ba kayo?" tanong ko nang malapitan sila.

Kompletong-kompleto sila. Maging si Gunner ay naroon din. Napansin kong napatingin siya sa akin, pagkatapos sa batang hawak ko sa kamay.

"Amber, sino siya?" tanong bigla ni Madrix, sabay turo kay Colton.

Ngumiti naman ako. "Mamaya ko na ipaliliwanag. Sundan niyo ako." sambit ko at nauna na.

"Mommy, saan tayo pupunta?" tanong sakin ni Colton.

Nilingon ko siya at ginulo sa buhok. "Ibibigay ko lang yung regalo ko sa Ate Martha mo." turan ko at nagtungo sa isang yateng hindi kalayuan sa amin.

Nang marating namin ang kinaroroonan ng yate ay hinarap ko si Martha. "Go inside and check my gift." nakangiting sabi ko.

"Seryoso ka ba, Amber?" tanong niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" balik kong tanong.

Wala naman siyang nagawa kung hindi sundin ako. Pumasok siya sa loob ng yate at sumunod ako. Sa lpwer deck kami nagtungo.

"Nasa loob nito ang regalo ko."  sambit ko at itinuro ang pinto kung saan naghihintay ang regalo niya.

Tinignan niya muna ako bago buksan ang pinto. Ilang segundo bago niya mapagtanto kung ano ang regalo ko.

"M-Mama?" tanong niya habang nakatingin sa babaeng nakaupo sa kama.

May mga pasa ito sa buong at namamayat na rin. Halatang pinahirapan siya ng husto ng kung sino ang may hawak sa kaniya.

"M-Martha?" tanong ni Hana Hyun at mabilis na nilapitan ang anak.

Napuno ng hagulgol ang loob ng kuwarto dahil sa mag-ina.

"P-Paano kayo napunta dito?" nagtatakang tanong ni Martha.

"Itinakas ako ng mga tauhan ni Amber, anak." tugon ni Hana at tinignan ako.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon