YUYAN
MATAPOS ang sayaw namin ni Adrian ay tumungo na lang ako. May mga nagtangka pang ayain ako ngunit nagpanggap na lang akong natutulog. Maging ang dalawa kong kasama ay ganun din. Saka lang kami tumatayo kapag party music na ang ipinapatugtog.
"Kailan ka ba babalik sa inyo?" pasigaw na tanong ni Genny.
"I don't know." sagot ko. Dahil totoo naman. Hindi ko nga alam kung alam nila Jessie kung nasaan ako.
"Ganun ba? Sana dito ka nalang." nakangiting wika ni Genny.
Sinipat naman siya ni Paula sa braso. "Ano ka ba! Malamang ay hinahanap narin siya ng pamilya niya." bulyaw nito kay Genny. Pagkuwan ay tinignan ako. "Malamang ay nag-aalala na ang pamilya mo sa'yo. Sana naman ay mahanap ka na nila." aniya.
Ngumiti na lang ako, dahil kahit papaano ay nakilala ko sila. Ano kayang mangyayari kapag hindi ako sa lugar na ito napadpad?
Natapos ang malakas na musika at napalitan ulit ng malumanay. Kaniya-kaniyang yuko ng mga ulo ang dalawang kasama ko. Maging ako ay napayuko na lang din at muling nagpanggap na natutulog.
Na-trauma ako kanina sa isang nagyaya sa akin. Lasing na lasing siya at halos hubaran na ako sa kaniyang tingin. Magpasalamat na lang siya at maraming tao sa lugar na ito. Kanina pa ako nagtitimping patayin siya.
Muli, ay naputol ako sa aking iniisip nang may maramdaman ang malamig na presensya sa paligid ko. Napamulat muli ako ng mata. At sa pagkakataong ito, ay tatlong pares na ng paa ang nasa harapan ko.
Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino sila. "I'm not in the mood. So better find someone else." matigas kong wika.
"You're hurting me, Yuyan."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Pasimple kong kinurot ang pisngi ko upang masigurong hindi ako nananaginip.
"Can you please stay away, both of you? Ako ang unang makikipagsayaw sa kaniya. Shoo! Shoo!" pagtataboy nito sa dalawang kasama.
"No. I'm his fiance. So, ako ang unang makikipagsayaw sa kaniya."
"Hep! Let me remind you, it's just a part of a plan."
"Plan or not. I'm still her fiance. So ako muna."
"No, ako!"
"Fucking no, it's me."
"Darn you, Kyle. It's me first!"
"No, Toshi! Ako muna!"
"Don't you dare call me that, Thompson!"
"Tsk! Basta ako muna!"
"No! I should be her first dance!"
"No! I am her fiance! Me first!"
"Hey! I am her first fiance bago ka sumulpot!"
"Ex ka na ngayon!"
"Fuck you!"
"Damn you!"
Nag-angat ako ng mukha at tumambad sa harapan ko si Kyle at Toshiro. Patuloy lang sa pagbabangayan ang dalawa habang ang isa pa nilang kasama ay naglakad patungo sa harap ko at yumuko.
"Can I have this dance, Lady Yuyan?" tanong nito at inilahad ang kamay sa aking harapan.
"Sure, Akiro." sagot ko at iniwan ang dalawang nagbabangayan.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...