👑👑👑
Minsan hindi po ako nagbubukas ng messages dito. I-pm niyo nalang po ako sa facebook account ko. Just search my pen name, QuinnNoCrown. Para sa mga suggestions and comment. Willing rin po akong i-shout out kayo sa mga Update ko.YUYAN
"TULALA ka diyan? May nangyari ba?"
Naibalik ako sa huwisyo nang magsalita si Aeron.
"Ha? Wala naman." mabilis kong sagot.
Galing kami sa mall kanina para bumili ng ireregalo ko kay Martha. Pagkatapos ay tumigil sa isang boutique, para samahan akong bumili ng gown na susuotin ko sa party ni Martha mamayang gabi.
Hanggang ngayon ay hindi parin mabura sa isip ko yung nangyari kahapon. Talaga bang hinalikan ko si Gunner?
Tsk! Napabuga na lang ako ng hangin. Ganito ba ang epekto ng halik? Damn! Mababaliw yata ako!
"Uy! Wala ka sa sarili mo. Nakuha ko na yung gown na binili mo, tulala ka parin." muling puna ni Aeron. Kaya tinignan ko siya. Dala na niya ang malaking box. "May nangyari ba kahapon? Sinaktan ka ba ni Martha?" tanong niya at inalalayan akong tumayo.
Muli akong napabuga ng hangin. "I don't know what to say. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin saiyo. Aish! Mababaliw yata ako." sambit ko at sinabayan na siyang maglakad.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluminihang tanong niya.
Hindi ako kumibo hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Kumuha ako ngayon ng driver dahil tinatamad akong magdrive.
"Uy! Yuyan, ano ba yung sinasabi mo?" pangungulit niya.
Tinignan ko siya at inalala ang nangyari kagabi. Yung init ng labi ni Gunner. Yung lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung paano ako nawalan ng pakialam sa nasa paligid ko. Ghad! It's just a plain kiss, Amber!
"Nothing. Let's go home, pagabi narin." anas ko at inihilig ang ulo ko sa bintana ng kotse. Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa.
Ilang minuto ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"It's done, my dear." wika ni Jessie.
Napangisi ako at umayos ng pagkakaupo. "How about the assassins?" tanong ko.
"Everything's fine, my dear. The gift was about to deliver."
Mas lumawak ang ngisi ko. "That's good to hear, Jessie. Please take good care of it. I want that gift to be the most beautiful." sambit ko.
"Ofcourse, my dear."
"Thanks Jessie. Please send my regards to Joseph. I'll send the rewards. Thank you." sambit ko at pinatay na ang tawag.
Buong biyahe ay hindi na maalis ang ngisi sa labi ko.
KINABUKASAN ay naging abala kami sa opisina ko. Halos doon narin ako naglagi dahil kailangan ko ng pag-aralan ang plano.
Paminsan-minsan kaming hinahatiran ni Akiro ng meyrenda. Para hindi na kami mag-abala pang bumaba.
"Sigurado ka bang magpapakita ka na?" tanong ni Toshiro.
Tumango ako. "Martha's right. Kahit anumang tago ko, may mapapahamak parin sa inyo. Ang kailangan ko lang gawin ay bantayan kayo at huwag hayaang mapahamak ang isa sa inyo." tugon ko.
"So, this must be a grand reunion for us." nakangiting wika nito.
Ngumisi ako. "Nabuburo narin kasi ako sa pagtatago. I missed their craziness, lalo na si Nixon." hindi ko mapigilang mapangiti.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...