YUYAN
HANGGANG sa daan ay palaisipan parin sa akin kung bakit kami binigyan ng imbitasyon. Idagdag mo pa si Gunner. sa dami ng iniisip ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
Nang maalala ko ang sinabi ng dean kagabi. Mabilis akong tumapak sa gas at pinaharurot ang sasakyan papunta sa lugar na iyon. Nang makarating ako sa bahay na sadya ko ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at nagtungo sa pinakagate nito.
May mga gwardiyang nagbabantay kaya umikot ako at nagtungo sa gilid ng pader. Bumuwelo ako at malakas na tumalon sa pader. Hating-gabi pa lang kaya madilim pa. At nang makalapag sa lupa ay dumiretso na ako sa pinakalikod ng bahay.
Alam ko ang pasikot-sikot nitong bahay nila, dahil ako ang bumili. Bawat sulok nito ay napuntahan ko, kaya alam ko kung saan mismo dadaan. Ngunit pagpihit ko ng seradura ay nakalock ito. Wala akong ibang paraan kaya naman ay nagtungo ako sa tapat ng isang terasa.
Buong lakas akong tumalon at mahigpit na kumapit dito. Nang maiangat ko na ang aking katawan ay palihim akong sumilip sa pintuan nito. Base sa ayos ng mga gamit ay pagmamay-ari ni Lord ang kuwarto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakitang tulog na tulog na si Lord. Kaya naman ay dahan-dahan akong naglakad upang hindi siya magising. Hanggang sa maratingbko ang pinto ay dahan-dahan din ang pagbukas at pagsara ko nito.
Madilim ang hallway nang makalabas ako ng kwarto niya. Kaya nagtungo ako sa talagang pakay ko. Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto nila ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Mahimbing pa ang pagkakatulog ng mag-asawa nang makapasok ako. Kaya naman naupo muna ako sa silyang nasa madilim na bahagi ng kuwarto.
* * *
"Mabuti naman at gising ka na." malamig kong wika habang nakatingin sa pabangon na ginoo.
Nanlaki ang kanyang mata at nilapitan ako.
"Miss Jang? A-Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito.
"I just want to know kung sino ang taong nasa likod ng pagbagsak niyo. Nasabi sa akin ng ama mo na kayo ang may alam, bakit hindi mo pa sabihin?" tanong ko at tumayo mula sa pagkakaupo.
Nakita kong naging balisa siya. At biglang tumayo pagkatapos ay nagtungo sa bintana.
"Hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo kung sino, Miss Jang." tugon nito na ikinakunot ng noo ko.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
Hinarap niya bago magsalita.
"Doon tayo sa opisina ko, Miss Jang." aniya at lumabas ng kuwarto.
Pagkarating namin ay naupo siya sa silya niya at ako naman sa pang-isahang sofa. Nang magsimula na siyang magpaliwanag.
"Malaking organisasyon ang nagpabagsak sa amin. Hindi kasi kami pumayag na makisosyo sa negosyo nila, dahil alam naming may transaksyon silang illegal. Ayaw naming madawit ang pamilya namin sa masasamang gawain. Ngunit nagulat na lang kami, nang sa isang iglap ay nawala ang lahat sa amin. Lalong-lalo na ang Lordsville. Tsaka ko lang naalala na pinagbantaan kaming kukunin sa amin ang lahat, kapag hindi kami nakipagnegosasyon. Kaya mas pinili naming maghirap, kaysa malagay sa mas malaking balakid ang pamilya ko." paliwanag nito.
Dahil maaga pa lang ay tahimik pa ang bahay ni Mr. Domingo. Mas pabor sa akin ito, upang hindi ako makita ni Sheenah.
"So, sasabihin mo na ba kung sino?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...