YUYAN
GABI NA nang makaalis ako sa lugar ni Tres. At napamura na lang ako sa aking isipan nang maalalang dapat pala ay hindi ako nagpakita sa kaniya. Para saan pa ang pagpapanggap kong patay, kung unti-unti nilang nalalaman na buhay pa ako. Tsk!
Nawala bigla ang pangamba ko nang mapansin ang isang itim na motorsiklong nakasunod sa akin. Lulan nito ang isang lalaking naka-itim at nakasuot ng helmet. Hindi ko tuloy maaninag kung sino ang taong iyon. Nag-iba ako ng direksyon ngunit kumunot ang noo ko, nang sumunod lang ito sa akin.
"Bastard, you're wasting your life." bulong ko at ngumisi.
Pagakatapos ay mas binagalan ko ang patakbo. Napansin kong bumagal rin ang takbo nito, ngunit malayo parin ito sa akin. Kaya huminto na ako at bumaba sa Ducati.
Dinukot ko ang baril sa aking tagiliran at itinutok ito sa motorsiklo paparating. Ilang metro pa lang ang layo nito, nang paputukan ko na ang gulong nito sa harapan. Dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumangga sa kalapit na puno.
Nakatutok ang baril ko sa lalaking may suot na helmet, habang gumagapang sa damuhan. May kaunting galos ito sa ibang parte ng katawan ngunit alam kong may mga bali siya.
"Sinong nag-utos sa'yo na sundan ako?" matiim kong tanong.
Hindi ito nagsasalita at patuloy lang ang paggapang palayo sa kaniyang kamatayan. Mabuti na lamang at walang kabahayan sa lugar na ito. Malaya kong mapapatay ang taong mangahas na kalabanin ako.
"Tinatanong kita! Kung gusto mo pang mabuhay, sabihin mo kung sino!" utos ko.
Ngunit hindi parin ito kumibo. Kaya sinipa ko siya sa sikmura na naging dahilan upang mamaluktot siya sa sakit.
"Magsasabi ka na ba o tutuluyan kita?" pagbabanta ko.
Ngunit hindi parin ito kumibo. Hanggang sa mainis na ako at iniluhod ang isang tuhod ko sa lupa. Dahil nakadapa ito ay pinihit ko pa siya paharap sa akin at mabilis kong inalis ang helmet niyang suot.
"Shit!" mahinang mura ko at mabilis na ipinalo ang baril sa kaniyang ulo. Dahilan upang mawalan ito ng malay.
Ganun na lang kasi ang gulat ko nang makita ang kaniyang itsura. May pilat ito sa kanang mata. Pero ang mas nakaagaw ng aking pansin ay ang kaniyang bibig. Kaya pala hindi siya makapagsalita ay dahil sa nakatahi ang bibig nito. Halatang ilang araw pa lang sugat niya dahil sariwa pa ito.
Fuck! Sinong baliw ang gagawa nito sa isang tao.
Tumayo ako at mabilis na kinuha cellphone ko sa aking dibdib. Tinawagan ko si Joseph upang tulungan ako sa taong ito. Ilang minuto lang ay dumating na siya, lulan ng isang Rover.
"Good evening, Lady Yuyan." bati nito. "It's been a long time, since the last time I saw you." he added.
Hindi ko siya pinansin at tinuro lang ang lalaki. "Dalhin mo siya sa basement ng bahay ko." utos ko.
Tumango naman ito at akma niya itong bubuhatin, nang mabilis niya itong nabitawan.
"Shit! What's with the face! Weird!" natatarantang tanong niya at pinakatitigan ang lalaki.
"I don't know. Maging ako ay nagulat din sa itsura niya. I want to kill him but we need him, alive and kicking." tugon ko.
Tinignan lang ako ni Joseph at muling ibinalik ang tingin sa lalaki.
"Siguro ay sinadya nilang gawin sa kabiya iyan. Upang hindi siya makapagsalita." komento nito.
Pagkuwan ay walang sabi-sabing binuhat niya ito patungo sa backseat ng Rover niya.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...