👑👑👑
Please po, huwag niyo po akong i-pressure masiyado. Sa mga hindi nakakaalam, load lang po ang ginagamit ko. Kapag nganga sa pera nganga din sa update.😭😭😭YUYAN
IT'S BEEN a week nang makauwi kami galing ng Pangasinan, pero wala parin akong balita kay Gunner. Maging si Hana at Martha ay hindi ko na nakikita. Sinusubukan kong tawagan sila pero bigo ako.
Simula noong mag-walk out si Gunner sa kilig ay hindi ko na siya nakita pa. Walang may alam kung saan siya nagpunta noong araw na iyon. Maging ang mga taga-roon ay hindi siya nakita.
Sinubukan namin silang kontakin at ipa-trace ang mga cellphone nila pero bigo si Jessie na gawin iyon.
Napahilamos na lang ako ng mukha, dahil hindi lang silang tatlo ang inaalala ko.
Maging ang tatlong nag-paulan ng bala sa amin sa Alaminos. Kung sino ang utak niyon. Mabuti na lamang at walang nasaktan o nasugatan sa amin dahil sa pangyayari. Pero nagdulot ito ng matinding trauma lalong-lalo na kay Colton at Ana.
Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko nang araw na iyon. Pakiramdam ko ay laging may nakaambang panganib sa amin. At hindi na nga ako nagkamali, nang paulanan kami ng bala.
Natigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Amber! Amber!" naghuhumarintadong sigaw ni Justine habang papalapit sa akin. Kasama si Kyle na nakakunot ang noo.
Tinignan ko siya dahil mukhang may nangyari na namang hindi kaaya-aya.
"Why? What the matter?" tanong ko.
"Si Todrian! Nawawala si Todrian!" aniya.
Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo at tinignan siya. "Anong sabi mo? Paanong nawawala si Tod, hindi ba't magkasama kayo?" tanong ko.
Nagpaalam kasi silang pupunta ng mall. Magde-date daw. Psh. Kamakailan lang ng umamin sa akin si Toshiro na nililigawan niya si Justine. Dahil nga sa alam daw niyang wala daw siyang pag-asa sa akin. What a lame excuses. Alam ko namang may gusto siya kay Justine noon pa lang.
Tumango siya. "We stopped on the nearest cafe. Ako ang nagpunta sa counter at siya ang naghanap ng uupuan. Pero hindi ko na siya nakita. I searched him everywhere pero wala." paliwanag niya.
"What about the CCTV? Na-check niyo na ba?" tanong ko habang tinitipa ang numero ni Jessie.
"No. Ayaw ipakita ng management ng cafe ang cctv. Baka lang daw umalis lang si Todrian."
Huminga ako ng malalim at hinintay na sagutin ni Jessie ang tawag ko. Ilang sandali lang nang sagutin niya ito.
"Jessie. Track Toshiro's phone, he's nowhere to be found." sambit ko.
[Yes, my dear.] wika nito at pinatay ang tawag.
"Hindi lang iyon ang problema, Amber." nag-aalalang wika ni Justine.
"Ano pa?" tanong ko.
Nagkatinginan sila ni Kyle bago muling ibalik ang tingin sa akin.
"Sila Slate, Kane, Blaze, Steel. Tumawag kay Zeke ang mga magulang nila. Nilooban daw sila ng mga hindi kilalang tao, pagkatapos ay kinuha silang apat ng sapilitan. Anong gagawin natin, Amber?" nag-aalang wika nito.
Napasabunot ako ng buhok at naglakad-lakad sa harap nila. "Paano? Sino? Bakit sila pa?" tanong ko at nagtungo sa intercom na nasa sidetable ko.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...