YUYAN
HANGGANG sa tumambad ang mukha ng babaeng tinutukoy niya. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan siya.
"M-Martha.." sambit ko habang tinitignan ang babaeng wala ng malay. "You bitch! Anong ginawa mo sa kaniya!?!" sigaw ko at tinutukan siya ng baril.
Ilang baril din ang biglang tumutok sa kinaroroonan ko. But heck! Wala akong pakialam kahit tadtarin nila ng bala ang katawan ko. They hurted my friend and they have to face the consequences!
Umalingawngaw ang matinis nitong halakhak, habang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Oh! Balak mo ba akong patayin? Baka nakakalimutan mo, hawak ko ang anim na taong malapit sa'yo. Tsk! Tsk! Baka magsisi ka." naiiling nitong paalala.
Nagtiim ang bagang kong pinakatitigan siya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita kung sino siya at kung anong pakay niya sa akin. Maging sa pagnanakaw ng gamit ko.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko at ibinaba ang hawak kong baril.
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at hinubad ang hawak niyang sumbrero. Tumambad sa akin ang kaniyang mukha.
"Ikaw?" tanong ko.
"Uh-huh.. I want to kill you, alam mo ba yon? Kating-kati akong patayin ka dahil malandi ka!" sigaw nito.
Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Siya yung babaeng nakalaban ko sa drag racing at ang girlfriend ni Gunner. Ano naman ngayon ang kasalanan ko sa babaeng 'to?
"Wala akong nilalandi. Kaya kung ako sa'yo, palayain mo na ang mga kasama ko!" buwelta ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya at tinignan ang mga tauhan nito. Mabilis namang sumunod ang dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Sa tingin mo, ganun lang 'yon kadali?" tanong niya. "Wala pa nga ako sa climax, e? Pinapatapos mo na agad?" sarkastikong aniya.
"Tsk! Hindi ba't kaya mo dinukot ang dalawang iyan ay para makita mo ako? Ngayong nakita mo na ako, maaari na ba kaming umalis?" nakangising tanong ko.
Muling umalingawngaw ang tawa niya. Kanina pa ako nabubuwisit sa tawa niya. Mukha siyang mangkukulam sa ginagawa niya. Tsk.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi pa nga nag-iinit ang palad ko, aalis ka na?" tanong niya.
"Then do it!" paghahamon ko.
Umiling-iling siya at mabilis akong sinampal. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa ginawa niya. At naulit pa iyon.
Isa, dalawa.
"Para iyan sa panglalandi mo sa fiance ko!" singhal niya at muli akong sinampal.
Tatlo, apat.
"At para iyan sa pang-iinis sa akin!" dagdag niya at nagpakawala ulit ng sampal.
Hanggang sa hindi ko na ito mabilang.
"Oh.. Look at you. Para kang isang dagang nasa harapan ng isang pusa." komento niya. "Ipinagmamalaki ka pa naman ni Sheenah dahil sa galing mo daw makipaglaban, pero mukhang nagkamali siya."
Namamanhid man ang mga pisngi ay nagawa ko paring ngumisi.
"Hindi siya nagkamali, dahil magaling talaga ako." saad ko at mabilis na tinapakan ang paa ng isang lalaking may hawak sa akin.
Napahiyaw na lang ito sa sakit at sinipa ko sa pribadong parte ng kaniyang katawan ang isa. At muli kong binalikan ang lalaking namimilipit ang paa sa sakit, pagkatapos ay binali ang leeg nito.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
ActionShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...