Chapter 36: The Kiss

2.1K 59 6
                                    

👑👑👑
Sorry natagalan ang update. Busy lang sa panonood ng YT. Sisihin niyo si Kace! Nainlove tuloy ako sa kaniya..😂😂😂
He's winking at me kasi!! Landeeee😍😍😂😂

😂😂😂He's winking at me kasi!! Landeeee😍😍😂😂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YUYAN 

MAAGA kaming nakarating ng Pilipinas. Kasalukuyan kaming nakatira sa bahay na iniutos ko kay Joseph.

At katulad ng napag-usapan namin ni Toshiro, tinawagan ko si Martha upang makipagkita sa akin. Mabuti na  lamang at madali ko siyang napapayag, nang sa ganun ay hindi na ako nahirapan pa.

"Ano ba ang kailangan mo? At bakit ganyan ang suot mo? May sakit ka ba? Balot na balot ka, ah?" tanong niya.

Kasalukuyan kaming nasa coffee shop ni Lord. Dito niya piniling makipagkita dahil gusto niyang tikman ang mga specialties nila. At dahil dito niya piniling makipagkita ay todo tago ako ng mukha.

"Tsk. I'm hiding." tipid kong sagot.

"Hiding? Sino naman ang tinataguan mo? Si Gunner?" tanong niya.

Luminga-linga ako sa paligid. Mukhang wala namang nakakapansin sa akin, kaya inalis ko na ang hood ko at maging ang face mask na suot ko.

"I'm hiding for everyone." bulong ko.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya dahil hindi na siya nagtanong pa.

"Umorder muna tayo, bago natin pag-usapan ang ipinunta ko dito." saad ko at tinawag ang isang service crew.

Tahimik lang siyang kumakain habang ako ay sumisimsim lang ng kape. Nag-iisip kung paano ko siya kukumbinsihin sa plano ko. Sana naman ay hindi siya tumanggi, mas mahihirapan ako sa misyon ko.

"Nawala ka ng ilang araw, saan ka galing?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at ipinatong sa mesa ang tasang hawak ko.

"Hindi mo na dapat pang malaman."

Napatigil siya sa pagkain at seryoso akong tinignan.

"Namatay si Mr. Chi, isang business tycoon at kilala sa underground businesses. May kinalaman ka ba sa pagkamatay niya?" tanong niya.

Muli kong kinuha ang kape at sumisimsim nito, bago siya sagutin.

"Ano sa tingin mo?" balik kong tanong. "Isa siya sa target ko at hindi ako titigil hangga't hindi sila nauubos." dagdag ko.

"Kahit na may taong mapapahamak, dahil sa ginagawa mo?" 

Pinagmasdan ko siya. Tama naman siya. Kahit anong iwas ko ay may mga taong mapapahamak ng dahil sa akin.

Huminga ako ng malalim. "Iniiwasan kong may mapahamak. Pero kamakailan lang ng dukutin sila Aeron at Connor. Wala silang alam sa mga nangyayari, pero nadamay sila. Tama ka. Kahit anong gawin ko para lang walang madamay, wala rin palang mangyayari." lintanya ko.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon