SHEENAH
HINDI parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon sa café. Alam kong si Amber ang nakita ko. Kahit iba na ang itsura niya, hindi ako pwedeng magkamali. Pero may tanong ako sa isip ko. Kung siya nga si Amber bakit hindi niya ako kilala? Maging sila Tod at Zander? Nagka-amnesia ba sila? Haist!!
Wala ako sa sariling pumasok ng café. Bagsak ang balikat ko dahil sa bigat ng problema. Hanggang ngayon ay kulang parin ang ipon ko para sa darating na pasukan. Kulang na kulang din ang sweldo namin ni Kuya Lord para sa araw-araw naming pangangailangan. Ngayon pa't araw-araw na kapalpakan ang nagagawa ni Kuya, bawas tuloy iyon sa sahod ko.
Napabuga ako ng hangin bago itulak ang pinto ng café, na dahilan upang tumunog ang windchimes na nakasabit dito.
"Good morning, Ma'am." bati sakin ni Clint, na siyang nagpakunot sa aking noo.
"Ha? Anong ma'am ka diyan? Umayos ka nga at baka makita tayo ni manager." suway ko at dumiretso na sa locker room kung saan naroon ang uniform ko.
Ngunit nagtaka ako dahil wala ang pangalan kong nakapaskil sa locker. Kinuha ko agad ang susi sa aking bag at isinuksok ito sa keyhole ng kandado, pero hindi bumubukas.
"Bakit ganito? Kabibili ko lang nito, sira na agad?" wala sa sariling tanong ko.
Napalingon na lang ako sa kanan nang sandaling may pumasok. Si Martina lang pala. Mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil abala siya sa pagtipa sa cellphone nito.
"Good morning Martina. Napansin mo ba iyong pangalan na nakapaskil dito sa locker ko? At saka, may extra lock ka ba diyan? Sira kasi itong kandado ko, kabibili ko pa lang naman." sunod-sunod kong tanong at ibinalik ang susi sa aking bag.
Napansin kong hindi sumasagot si Martina, kaya naman nilingon ko siya. Nakatulala ito sa akin at walang kibo.
"Uy! Tinatanong kita!" dahil sa pagsigaw ko ay naibalik siya sa katinuan. "Ano bang nangyayari saiyo?" tanong ko.
Tinuro niya ako bago magsalita. "Teka, bakit nandito ka?" tanong nito na nagpakunot ng noo ko.
Naguguluhan man ay sumahot parin ako. "Malamang, dito ako nagtatrabaho." sagot ko.
"Ha? Hindi mo ba alam na nag-resign na si Manager?" tanong nito.
"Ha! Bakit daw? Bakit biglaan naman? Sino na ang mamamahala ng café? Kahit na masama ang ugali ng huklubang iyon, mamimiss ko parin siya. Bakit daw siya nagresign, e sakanya naman itong café?" gulat kong tanong.
"Hindi na siya ang may-ari nito. Ang kuya mo na muli ang may-ari ng Café." sagot ni Martina.
Napaawang ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang narinig mula sa kanya. Ngunit nakuha ko paring magtanong. "Paano mangyayari iyon? Wala kaming pera para bawiin ang cafè. Paano niya nabawi ito? Umayos ma nga Martina, hindi ito ang oras ng pagbibiro." saad ko.
"Sira! Sino bang may sabi na nagbibiro ako? 'Yong kuya mo nasa opisina niya. Puntahan mo kasi para maniwala ka." aniya.
Napaamang ako ng bibig. Kaya ba tinawag ako ni Clint sa pormal na paraan?
Hindi ko na hinintay na sumagot si Martina at mabilis na nagtungo sa opisina ng manager. Hindi na ako nag-abalang kumatok at dali-daling binuksan ang pinto. Tumambad sa harapan ko si Lord na imprenteng nakaupo sa silyang kinalalagyan dati ng Manager.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
AksiyonShe maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...