Chapter 35: Her Ace

2K 49 7
                                    

YUYAN


"DAMN IT! Bakit kailangan ko pang magpakasal bago ko makuha ang kalahati ng mamanahin ko?" tanong ko at pabagsak na upo sa sofa.

"Dahil iyon ang kondisyon ni Chairman, Yuyan. At katulad ng sinabi ni Attorney, wala tayong magagawa sa bagay na iyon." ani Toshiro.

"Tsk. At kanino naman ako magpapakasal?" tanong ko.

Tumawa siya ng bahagya. "Edi sa akin! Nang hindi ka na mahirapan. Total, ex-fiance mo naman ako." mabilis niyang sagot.

"Tsk! E, kung sakalin kita ngayon?" pagbabanta ko.

Tumawa siyang muli. "Chill ka lang! Bakit hindi mo na lang totohanin ang pagiging fiancee mo kay Kyle? Mukhang may gusto naman siya sa'yo."

Napukaw ang masama kong tingin kay Toshiro nang banggitin niya ang tungkol sa pagpapakasal ko.

'Si Kyle may gusto sa akin? Nagpapatawa ba siya?'

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Toshiro? Hindi kami talo ni Kyle. I treated him as a friend at hanggang doon lang iyon." saad ko.

"Oo, narinig ko. Hindi pa naman ako bingi, e." sagot niya.

"Aba't namilosopo pa." bulong ko at inirapan siya.

Tumawa siyang muli.

"Hindi ka ba titigil sa pagtawa? Baka mamaya huling tawa mo na iyan kapag nainis na ako sa'yo." muling banta ko.

Umakto siyang isini-zipper ang kaniyang bibig. Kaya naman namayani ang katahimikan sa aming dalawa.

Maya-maya ay binasag niya ito.

"Paano pala kapag hindi ka nakasal? Mapupunta sa Tita mo ang kalahati ng mamanahin mo." anito.

Tumango ako. "Kailangan kong makasal,pagkatapos ng misyon ko, Toshiro. Kahit na sino nang ponsiyo pilato pa. Hindi lang mapasakamay ni Tita Olivia ang mana ko." sambit ko. Hindi ko hahayaan mangyari ulit ang kasamaang ginawa niya sa pamilya Jang.

"Talagang mautak si Lolo at iyon ang naisip niyang kondisyon. Alam niyang alam ko na kapag mana na ang pag-uusapan. Alam kong gagawin lahat ni Tita Olivia, mapasakamay lang ang organisasyong ito." dagdag ko.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "Paano ka nakakasiguro na itong organisasyon ang kukunin niya saiyo?" tanong niya.

Tumayo ako at nagtungo sa tapat ng bintana. "Asawa siya ng yumaong  pamangkin ni Lolo na si Tito Lorenzo Jang. Mabait ang naging pakikitungo niya sa amin noon. Pero lingid sa kaalaman naming lahat ay may masama pala siyang binabalak. Kinuha niya ang lahat ng ari-arian ni Tito Lorenzo noon at pinapatay ito. Nilustay niya ito sa pagsusugal hanggang sa maubos lahat ng yaman na mayroon siya. Doon siya pumasok sa mansiyon na ito at kinupkop ni Lolo dahil nga sa nagdadalang tao siya. Pero kahit nasa ganung kondisyon na siya ay nagawa niyang pagnakawan ng pera si Lolo. Malaking halaga ang nakuha niya. Pero pinatawad siya ni Lolo. Isang araw ay muli siyang lumapit kay Lolo at humihingi ng malaking halaga para sa pagpapatayo ng negosyo. Pero niloko niya lang si Lolo, ginamit niya ang pera sa pansariling luho. Kaya naman pinatalsik siya dito sa mansiyon. Labag man sa loob ni Lolo ang nangyari pero masiyadong malaki ang naging kasalanan ni Tita Olivia. Kaya minsan ay naaawa ako kay Jordan, dahil siya ang nagbabayad sa kasalanang nagawa ng kaniyang ina." mahabang lintanya ko.

"Pero anong kinalaman ng organisasyon sa nangyari?" tanong nitong muli.

Hinarap ko siya at isinuksok ang kamay ko sa aking bulsa. "Gusto niyang mapasakamay ang organisasyon upang katakutan siya. Dahil ganid siya sa pera at kapangyarihan, nais niyang pamunuan ang organisasyon at patakbuhin ito sa masamang paraan. Kung tayong mga assassin ay pumapatay ng mga taong salot sa lipunan, gusto niyang ipapatay ang mga taong angat sa buhay, at pagkaperahan." paliwanag ko.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon