Chapter 43: A Chair Without Two Legs

1.8K 45 11
                                    

SHEENAH

TANGHALI na nang magising ako. Saktong paglabas ko ng kuwarto ay nakita kong paakyat si Akiro ng hagdan.

Sinundan ko lang siya ng tingin, dala ang tray ng pagkain na sa pagkakaalam ko ay kay Amber. Mabilis ko siyang nilapitan at kinuha ang tray sa kaniya.

"Ako na ang magbibigay sa kaniya." ani ko kay Akiro. Yumuko naman siya at iniwan na ako sa harap ng kwarto ni Amber.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Nadatnan kong nakaupo lang siya sa carpet at tila malalim ang iniisip.

"Amber," pagkuha ko sa atensyon niya pero kahit paglingon ay hindi niya ginawa.

Huminga ako ng malalim at muling nagsalita. "Please naman, kumain ka na. Kahapon pang walang laman ang tiyan mo." sambit ko at inilapag ang tray sa harap niya.

Ngunit katulad ng mga nagdaang linggo, ay wala parin siyang kibo at nakatingin lang sa kawalan.

"Amber please." pagsusumamo ko.

Ngunit tinignan lang niya ako ng ilang segundo bago muling ibalik ang tingin sa kawalan.

"He was begging, Sheenah." panimula niya. "He was begging for me to save him. He's crying for me to save him. But I didn't do anything. I just watch him died infront of me." nagsimula na siyang humagulgol sa iyak. "W-Wala akong nagawa para iligtas siya. Napakawalang-kwenta kong tao. Hindi ko siya nagawang iligtas, Sheenah." pagpapatuloy niya at napatakip na lang ng mukha.

Ibinaba ko ang tray na hawak ko at tinabihan siya. Hinagod ko ang kaniyang likuran upang maibsan kahit katiting na sakit na nararamdaman niya.

Dalawang buwan na mula nang mamatay si Todrian. Wala na siyang ginawa kung hindi ang magkulong na lang sa kuwarto. Kapag kinakausap ko siya ay ang laging bukam-bibig niya ay ang pagsisisi niya. Na pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta niya.

"May ginawa ka, Amber. Nailigtas mo sila Kane, Slate, Steel at Blaze. Please, don't blame yourself, Amber. Sinubukan mo naman, e" pag-aalo ko.

Umiling siya. "Nailigtas ko nga sila, pero si Toshi--" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang humagulgol na naman siya sa iyak. "I feel so useless, Sheenah. My Lolo died because I wasn't there beside him. Now, I didn't saved Toshiro. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Everytime you guys in danger, I always there to save you." bulong niya at huminga ng malalim.

"But I can't save myself from suffering this pain right now, Sheenah. Everytime I tried to convince myself that it wasn't my fault. But when I remember how Toshiro died infront of me, I can't help it, I keep on blaming myself. How useless I am." aniya at napasabunot sa kaniyang buhok.

"No. Don't blame yourself, Amber. Walang may gusto nito. Sinubukan mo siyang iligtas, ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Alam kong ganoon din ang sasabihin sa'yo ni Tod." pag-aalo ko.

Umiling-iling siya. "Please.. Please.." aniya at itinutop ang kaniyang mga binti bago yakapin ang sarili. "Is there anyone who can save me? I'm drowning, blaming myself." pagsusumamo niya. "Bakit si Toshiro pa? Bakit hindi na lang ako?" dagdag niya at humagulgol na sa iyak.

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya. "No matter what happen, Amber. Nandito lang ako, kami. Nandito kaming lahat sa tabi mo. We will stay beside you no matter what. Just please, stop blaming yojrself. It wasn't your fault." bulong ko at hinalikan siya sa ulo.

NASA hapag-kainan kaming lahat at tahimik lang na kumakain. Wala ang ibang Emperors dahil may kaniya-kaniyang lakad. Si Kace, Zander, Steel, Nixon, Madrix, Lord, Justine at Akiro lang ang nandito. Si Aeron at Colton naman ay nasa kuwarto nila at nagpapahinga.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon