Chapter 4: Angel

2.6K 83 5
                                    

YUYAN

NAGMADALI akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Napag-usapan naming tatlo ang pagpunta sa Lordsville Academy. Malakas ang hinala ko na may hindi magandang nangyari sa eskwelahang iyon. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil binabagabag ako ng katanungan tungkol sa Lordsvill Academy.

Nagtungo ako sa dining area at nadatnan ko si Toshiro. "Good morning." bati niya.

"Morning." tipid kong sagot at nagtungo sa ref upang kumuha ng tubig.

"Bakit mo naisipang puntahan ang Lordsville?" biglang tanong nito.

Inubos ko muna ang isang basong tubig bago siya sagutin. "Something's bothering me 'bout Lordsville, Toshiro." sambit ko at inilapag ang baso sa island. "Hindi ka ba nagtataka? Bakit nagta-trabaho si Sheenah at Lord sa isang cafe?" nagtatakang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "I have no idea, Yuyan. And besides, Lordsville is not your mission anymore. Wala ka ng responsibilidad pa doon. May misyon tayo at iyon ang dapat nating unahin." paalala nito at tumayo na. "Hihintayin ko na lang kayo sa kotse." anito at umalis na. Saktong nakasalubong naman ni Toshi si Kyle. Tinanguan lang niya ito at tuluyan ng umalis.

*    *    *


NANGINGINIG ang mga binti ko habang pababa ng sasakyan. Naramdaman ko ring bumaba ng sasakyan si Quinie. Siya 'yong asong binili ko.


Kasalukuyan kaming nasa harap ng gate ng Lordsville. Nangangalawang na ang ibang parte ng malaking tarangkahan at may mga gumapang na damo narin dito. Halatang matagal ng hindi ito naaalagaan. Ngunit ang mas nakaagaw pansin sa akin ay ang karatulang nakasabit sa mismong kandado nito.

'Permanently Closed.'

"A-Anong nangyari dito?" wala sa sariling natanong ko.

"Lordsville's already been closed almost one year." napatingin ako sa lalaking sumagot sa aking katanungan.

"Z-Zeke?" tanong ko nang makita siyang nakasandal sa pader na di kalayuan sa kinaroroonan namin.

"How did you kno-"

"I was there, at the cafe." sagot nito at nilapitan kami. "Your disguising technique won't work for me, guys. But thank you for saving that poor King in that cafe." sambit nito at tinignan pa kami mula ulo hanggang paa. Hanggang sa itapon nito ang tingin kay Kyle. "It's been a year, bro." anito at tinapik ng bahagya sa braso si Kyle.

"Yeah." tipid nitong sagot. "By the way, can we find some place more comfortable?" tanong nito.

"At my penthouse." yaya ni Zeke.

Sumang-ayon naman kami sa kanya at sumakay ng kotse. Iginaya ni Zeke ang daan patungo sa penthouse niya.

Pagkapark ng sasakyan ay iniwan ko na si Quinie sa loob ng sasakyan. Nag-iwan ako ng maliit na siwang sa bintana nito upang hindi siya ma-suffocate.

Mabilis kaming nakarating sa penthouse ni Zeke, dahil sa ikalawang palapag lang ito ng building.

"Have a seat." alok niya at nagtungo sa mini kitchen upang ipagtimpla kami ng maiinom.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon