Chapter 27: Demons

2K 51 6
                                    

YUYAN

NAGISING na lang ako nang maramdaman ang paghinto ng sasakyan. Naka-idlip na pala ako.

"We're here, Lady Yuyan." ani Akiro.

Tumango-tango na lang ako at bumaba na ng sasakyan. Ngunit nagulat na lang ako nang sumigaw si Aling Pasing.

"Halla! Apay inya nangyari tuy balay ko?" sigaw nito habang tinitignan ang bahay niya. (Halla! Bakit anong nangyari sa bahay ko?)

Napatingin naman ako sa bahay niya. Ipinaayos ko at ipinalakihan ng kaunti. Ipinaayos ko na din ang giba-gibang diding, maging ang bubong. Ipinasemento ko na rin ang sahig nito at nagpalagay na rin ako ng water pump sa likod bahay, para hindi na sila mag-igib sa kapit-bahay nila.

May lalaking lumapit sa kinaroroon namin ni Aling Pasing. Base sa suot niyang pulang damit at may tatak na Kapitan, mukhang siya ang kapitan ng baryo. Katabi niya si Adrian na may malawak na ngiti. "Pasensiya kayon Manang Pasing, ta nakibiyang kamin tuy balay yo. Atoy gamin a baro ket nakikatungtung kinyak. Isu sinurot mi lang iti imbaga nan. Ta isu kanu iti inbilin na iti agnagnagan nga Amber." wika nito.

Agad ko naman nilapitan si Aling Pasing. "Hindi niyo po ba nagustuhan, Aling Pasing?" tanong ko.

Nakaamang lang ang bibig ni Aling Pasing ng nilingon ako. Ngumiti lamang ako sa kaniya.

"Sika ba jay agnagnagan iti Amber?" tanong ng Kapitan at naglakad palapit sa akin. (Ikaw ba yung nagngangalang Amber?)

Napatingin ako kay Aling Pasing dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ng lalaki.

"Tinatanong niya kung ikaw ba si Amber." paliwanag niya.

Ibinaling ko ang tingin sa lalaking medyo may katandaan na. At tumango ako. "Opo, ako po si Amber. At kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang Kapitan ng baryong ito." sambit ko.

"Ay! Tagalog met gayam!" saad nito at inilahad sa harap ko ang kamay niya. "Oo. Ako si Kapitan Alejandro ng Barrio Masilong. At ito naman ang anak kong si Adrian." pakilala niya. "Ikaw siguro ang Amber na minsan nang nabanggit ni Adrian at ng pamangkin kong si Genny." wika nito.

Inabot ko naman ang kamay niya at ngumiti. "Mukhang ako na nga po iyon." pagsang-ayon ko. "Salamat nga  po pala, dahil pinahintulutan niyo po ang kasama ko sa pagpapaayos ng bahay ni Aling Pasing." sabay tingin kay Joseph na yumuko lang ng bahagya sa akin.

"Siya nga po pala, sila po ang mga kasama ko. Si Todrian po." sabay hawak ko sa braso ni Toshiro.

"Kumusta po kayo, Kapitan?" tanong ni Toshiro at yumuko sa harap ng Kapitan.

"Ayos lang met, anak ko." nakangiting tugon nito. (Maayos lang naman, anak ko.)

"Si Akiro naman po, siya po ang butler ko." pakilala ko kay Akiro at tinignan siya.

Yumuko naman siya sa harap ni Kapitan at Adrian. "I am butler Akiro. Please to meet you, Sir." pormal nitong wika.

"Kasta ak met." sagot ng Kapitan. (Ganun din ako.)

"At ito naman po si Zander. Siya po ang fiance ko." pakilala ko na ikinagulat ng Kapitan at ni Adrian.

"Ikakasal ka na? At siya ang mapapapangasawa mo?" gulat na tanong ni Adrian.

"I'm Zander Thompson. And yes I'm his fiance." pakilala niya at inilahad ang kamay sa harap ni Adrian na ngayon ay gulat na gulat parin. "Maiwan ko po muna kayo. Tara na Aling Pasing, kailangan niyo nang  magpahinga." paalam ni Kyle at inalalalayan si Aling Pasing na ngayon ay wala parin sa sarili.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon