YUYAN
PAPUNTA kami ngayon sa address na ibinigay sa akin ni Catalina. At sana ay mahanap kaminh soludyon sa problemang ito.
"Matatagpuan kaya natin si Tres sa lugar na iyan?" tanong ni Toshiro habang nagmamaneho.
"Hindi ako sigurado, malalaman na lang natin kapag nakarating na tayo." sagot ko habang nakatitig sa hawak kong papel at sa USB na nakalakip dito.
Hindi ko alam kung anong oras na kaming bumibiyahe. Masasabi kong malayo-layo rin ang lugar na pupuntahan namin.
Hanggang sa marating na namin ang nasabing lugar. Palihim akong napangisi nang makita ang
malaki at may kalumahang bahay na. Nag-iisa lang itong nakatayo at walang kahit na anong kapit-bahay."I'll cover yo-"
Hindi ko na pinansin ang sasabihin ni Toshiro nang lagpasan ko siya at diretsong naglakad patungo sa bahay. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto, ngunit walang sumasagot. Kaya mabilis kong kinuha ang baril sa aking holster at kinasa ito. Umatras ako at bumuwelo.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ng kasama ko.
"I knock three times to have some respect, nagmukha akong tanga. Tsk!" walang ganang sagot ko.
"Yeah. You look stupid." natatawang wika nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at sinipa ang pinto.
"Holysh-"
Hindi na naituloy ni Toshiro ang pagmura nang tumambad sa amin ang loob ng bahay. Sari-saring baril ang naroon. Hindi lang basta-basta baril dahil magaganda ang kalidad nito. Sari-saring bomba at katana ang mga nakasabit sa dingding na talagang nagpahanga sa akin.
Sa dami ng armas na naroon ay isang bagay ang mas nakakuha ng atensyon ko. Isang pares ng katana ang nakalagay sa isang kahon na salamin. Napangisi ako nang malapitan ko ito. Napakaganda nang pagkakagawa nito at napakapulido. Akmang bubuksan ko ang salamin nang may marinig akong pagkasa ng baril.
"W-walang k-kikilos kung ayaw m-mong pasabugin ko a-ang ulo n-nitong k-kasama mo!" isang tinig ng babae ang nagpahinto sa gagawin ko.
"You can't kill, when you're in doubt." walang ganang sagot ko habang nakatingin parin sa katanang nasa harap ko.
"I-I can k-kill." turan nito at hindi parin nawawala ang pagkakautal.
Ngumisi ako at hinaplos ang salamin kung saan nakalagay ang katana.
"You sure?" sarkastikong tanong ko at hinarap siya. "Cause I can kill you without doubting, brutally. Just so you know?" dagdag ko at hindi parin nawawala ang ngisi.
Nanlaki ang mata nito ngunit kalaunan ay nakabawi rin. Idiniin niya ang pagkakahawak sa leeg ni Toshi at itinutok nito ang baril sa sintido.
Napabuga ako ng hangin at pinagkrus ang mga braso.
"Enough with the drama, Toshiro." walang gana kong wika at tinalikuran sila.
"Geez! I'm testing my acting skills, Yuyan. You ruined the scene." reklamo ni Toshiro, kasabay nang pag-inda ng babae. Alam ko naman na kaya niyang patumbahin ang isang mahinang babae, what's with the drama. Tsk!
"Sino kayo!? Anong kailangan niyo sa akin!?" sigaw nito.
Napangisi ako at kinuha ang baril na nakapatong sa mesa. Hinarap ko siya at itinutok ito sa babaeng nasa harapan. Nanlaki ang mata nito at sunod-sunod na napalunok.
BINABASA MO ANG
RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETED
حركة (أكشن)She maybe ruthless. All she wants is the safety of her friends. The safety of her love ones. But what if her concerns lead the death of her. Would she choose to gave her life for the sake of others, even in her greatest downfall? HIGHEST RANK #1 -#...